DPWH PANGASINAN MULING IPATUTUPAD ANG TULONG SA MGA MOTORISTA NGAYONG SEMANA SANTA

LINGAYEN, Pangasinan

Muling ipapatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH)- Pangasinan ang programa nitong “Oplan Lakbay Alalay” upang gabayan at tulungan sa mga motorista sa pagpasok ng Semana Santa. Ayon kay Bernardo Caronongan, information officer ng DPWH Pangasinan 2nd District Engineering Office (DEO), magtatalaga ang ahensya ng apat na Traffic Motorist Assistance sa iba’t ibang strategic locations upang magbigay serbisyo sa motorista na maglalakbay sa kahabaan ng mga national roads sa lalawigan.

Aniya magbibigay serbisyo ang mga motorist assistance group ng DPWH sa mga road boundaries ng ikalawa at ikaapat na distrito ng Pangasinan upang tiyakin ang maayos at ligtas na biyahe ng
mga motorista at mananakay. “Magkakaroon po tayo ng apat na team na itatalaga sa sa mga sumusunod na kalsada tulad ng Mangaldan-ManaoagBinalonan Road, PangasinanLa Union Road, PangasinanZambales Road at PangasinanTarlac Road,” ani Caronongan sa isang panayam noong
Martes.

Aniya, ang mga Traffic Assistance Group ng DPWHPangasinan 2nd DEO ay nakatalaga sa iba’t ibang lokasyon gaya ng Barangay Guibel sa bayan ng San Jacinto, Barangay Longos sa munisipalidad ng San Fabian, Barangay Manat sa bayan ng Binmaley at sa Socony Section sa bayan ng Bugallon. Dagdag pa ni Caronongan na ang mga motorist assistance team na magbibigay serbisyo publiko mula Abril 5-10, 2023 ay binubuo ng mga empleyado ng DPWH na pawang mekaniko at mananatili sa kanilang istasyon 24/7 upang tumulong sa mga maaaring masiraan ng sasakyan habang binabaybay ang mga kalsada sa lalawigan.

Ani Caronongan, titiyakin din ng DPWH Pangasinan 2nd DEO na lahat ng kalsada na kanilang nasasakupan ay “passable” sa mga araw ng paggunita ng Semana Santa. Magtatalaga din ang
DPWH ng mga karagdagang road signages upang walang maging pagkaantala sa pagbiyahe ng mga motorista. Paalala naman ni Caronogan na dapat isaalangalang ng mga biyahero ang kondisyon ng kanilang sarili bago magmaneho, tiyakin na nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga sasakyan at sumunod sa mga batas trapiko at road signages para maiwasan ang disgrasya.

(EMSA/JMT/PIA Pangasinan/ PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon