DRAYBER NA SANGKOT SA TRAFFIC ACCIDENT SA BAGUIO, NASAKOTE SA MAYNILA

BAGUIO CITY

Isang driver na umano’y sangkot sa Vehicular Traffic Accident noong 2021 na ikinamatay ng isang biktima ang dinakip ng mga tauhan ng Baguio City police Office, Regional Intelligence UnitNational Capital Region (RIUNCR) at Special Mayor’s Reaction Team (S.Ma.R.T.) sa Sta. Ana, Maynila noong Hunyo 12.

Ang pagdakip sa suspect na si Melquiades Briones,45, ng Donsol,Sorsogon at nakatira sa Cupang,Antipolo City ay bunsod sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Cecilia Corazon Sumcad Dulay-Archog, ng Branch 7,Regional Trial Court,Baguio City,noong Hunyo 1 sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property na may
inirekomendang piyansa na P100,000.00.

Dagdag pa, ang suspek ay nakalista bilang District Most Wanted Person ng Manila Police District para sa 2nd Quarter CY 2023. Ang kanyang kaso ay nagmula sa isang aksidente na nagresulta sa pagkamatay ng isang lady rider noong Disyembre 2021 sa Marcos Highway, Baguio City.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon