DRUG COURIER NASAKOTE SA BAGUIO

Hindi nakalusot sa pulisya ang isang drug courier, matapos sa masakote sa bus terminal at mahulihan ng 10 gramo ng hinihinalang shabu, kaninang umaga,Hunyo 21. Ayon sa pulisya, nakakuha ng impormasyon mula sa iba pang law enforcement units sa Maynila, na isang nagngangalang Nora Dulay, mula sa Cotabato, ay pasahero ng isang bus mula sa Pasay City,patungong siyudad ng Baguio para maghatid ng droga. Alas 4:00 ng umaga ay pumwesto ang mga operatiba sa loob ng terminal habang hinihintay ang pagdating ng target.

Sa kanyang pagdating, isang tinatagong ahente ang nagpanggap bilang ang tatanggap at nagpatupad ng pag-aresto. Sa pagkakasamsam, isang plastic sachet na naglalaman ng mahigit 10 gramo ng hinihinalang shabu, ang nakumpiska at tinatayang nagkakahalaga ng P70,000.00. Ayon kay Lt.Col.Timothy Arciso Jr., ng chief ng PDEG SOU-Cordillera, palipat-lipat ng lugar ang suspek sa Metro Manila, na kung saan nanggaling ang droga, base sa impormasyon ng kanilang counterpart sa Manila. Iniimbestigahan na ngayon ng mga intelligence operatives ang mga koneksyon niya sa lugar. Nasa Police Regional Office Cordillera ngayon ang suspek para sa dokumentasyon at drug testing. Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa suspek.

Darius Bajo/ABN

Amianan Balita Ngayon