KAPANGAN, Benguet – Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Martes ng karagdagang social amelioration program cash aid para sa mga hindi nabigyan sa unang bugso ng SAP dito.
Sinabi ni Director Irene Dumlao, chief information officer ng DSWD na limang milyon pang benepisaryo ang maibibilang sa listahan para sa SAP.
“We are conducting the first payout of the wait-listed or additional beneficiaries of the SAP,” aniya, na idinagdag na makakatanggap ang benepisaryo ng PhP5,500 pareho ng halagang natanggap ng mga nasa unang bugso ng SAP.
Sinabi niya na ang DSWDCordillera Administrative Region (CAR) field office ang unang naka-validate ng eligible beneficiaries at sinertipikahan ng local government units.
“Kapangan, Benguet is one of the first that submitted their certified eligible beneficiaries. This means those who appealed who are qualified but were not included in the first tranche were immediately validated which allowed them to be immediately included in the list,” ani Dumlao.
Sinabi niya ang mga waitlisted ay tatanggap din ng ikalawang bugso. May 291 karagdagang mga benepisaryo ang Kapangan.
Isa sa kanila ay si Ana Amoy Taag, 92 taong gulang na nakatanggap ng tulong ng SAP sa kaniyang bahay sa Barangay Labue. Sa salitang Kankanaey ay sinabi ni Lola Ana na “May mga sariling pamilya rin ang aking mga anak at may mga anak din sila kaya napakahirap ang buhay. Gagamitin ko ang perang ito para sa aking pagkain.”
Pinasalamatan din niya ang gobyerno sa pagsama sa kaniya bilang benepisaryo. Sinabi ni Dumlao na lagging pinapaalalahanan ang local government units na puntahan ang mga senior citizen at mga may kapansanan na nahihirapang pumunta sa lugar kung saan ginagawa ang pamamahagi ng tulong pinansiyal.
Sinabi ni Kapangan Mayor Manny Fermin na agad nilang ipinabigay-alam ang impormasyon, lalo na sa mga may deadlines sa mga opisyal ng barangay, na agad din silang makakatugon sa requirement.
Sinabi niya na mula sa umpisa ay nagsumite ang mga opisyal ng barangay ng mga pangalan ng eligible and non-eligible residents, kaya nagging madali ang pagkakaroon ng listahan ng mga karagdagang SAP.
“Halos nabigyan natin ang karapat dapat na mabigyan ng SAP (We gave almost all of those who are eligible to receive the SAP),” ani Fermin. Sinabi niya na hindi niya alam na sila ang mauunang makakatanggap ng karagdagang SAP ngunit masaya sila na ang mga wait-listed na residente ay makakatanggap na rin ng ayuda.
Sinabi ni Fermin na ang release ng unang tranche ay isang pagsubok ngunit gaya ng isang sundalo, ginawa nila ang lahat upang agad maihatid ang tulong ng gobyerno sa kanilang mamamayan.
Mayroong 2,176 benepisaryo para sa unang bugso ngunit nabago ang listahan sa pagdagdag pa base sa karagdagang criteria na ibinigay. Maliban sa Kapangan ay sinabi ni Dumlao na nagsagawa rin ang Baguio ng pamamahagi noong Martes para sa 266 karagdagang pamilyang benepisaryo. “Baguio is also one of the first who submitted the list of their wait-listed that is why they also did the payout,” ani Dumlao.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)
June 22, 2020