LUNGSOD NG BAGUIO – Naglabas ang Department of Trade and Industry sa Cordillera Administrative Region (DTICAR) ng PhP184.6 milyon sa ilalim ng Covid-19 (coronavirus disease 2019) Assistance to Restart Enterprises (CARES) program nito upang tulungan ang 15,567 micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa rehiyon.
Sinabi ni Myrna Pablo, regional director ng DTI-CAR noong Miyekoles (Hunyo 30) na lahat ng probinsiya sa rehiyon ay kumuha ng tulong. Nasa PhP70 milyon ang inilabas sa ilalim ng CARES program sa mga benepisaryo sa Benguet sa pamamagitan ng soft loan program ng ahensiya na inilabas sa pamamagitan ng Small Business Corporation (SBC).
Ang loan ay may zero interest at nanayaran sa loob ng tatlong taon.
“The country is still in a pandemic and the market remains unstable that is why DTI has extended the repayment policy to three years from only one year at the start of the program in 2020,” ani Pablo.
Tuloy-tuloy na tulong ng gobyerno Upang lalo pang matulungan ang sektor upang makaagapay sa new normal, sinabi ng director na nagsagawa sila ng webinars sa marketing, pagpapahusay sa mga produkto, at social media marketing kasama ang paggamit ng online banking at financial transactions.
Patuloy din ang DTI na itaguyod ang iba pang programa gaya ng “Mentor Me” at iba pang capacity-building training. Sinabi ni Pablo na mahigit 25,000 MSMEs sa Cordillera na sinusuportahan ng DTI. Base sa pinakahuling survey ng DTI, sinabi niya na nasa 35 porsiyento ng 25,000 MSMEs sa rehiyon ang bumalik na sa operasyon.
Nasa 50 porsiyento ang nasa partial operation at 15 porsiyento ang nagsara na dahil sa problema sa pagkuha ng raw materials. MSMEs lumilikha rin ng trabaho. Sinabi ni Pablo na sa kabila ng minimal capitalization at operation, nakakaambag ang MSMEs sa job generation.
Sinabi pa niya na karanihan ng MSMEs ay husband and wife tandem kasama ang kanilang mga anak habang ang ilan ay may lima hanggang 10 trabahador na kumikita sila sa kanilang operasyon.
Sinabi ng Public Information Office-Baguio noong Martes (Hunyo 29) na may kabuuang 99.7 porsiyento ng lahat ng establisimiyento na 70.8 porsiyento na bahagi sa kabuuang trabaho sa rehiyon.
Sinabi ni Pablo na ang gobyerno ay lagging bukas sa mga negosyante at may programa sila na maaaring makuha ng sinumang interesado na matuto o mapahusay ang aktibidad nila upang kumita.
“We have six provincial offices located in the capital towns, we have the regional office in Baguio and we are active in social media. Get in touch with us so that we can extend to you the programs of the government,” aniya.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)
July 5, 2021
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025