DTI SINIMULAN ANF ‘NOCHE BUENA DISKWENTO’ CARAVAN SA MGA MALL SA PANGASINAN

LINGAYEN, Pangasinan

Hinikayat ng isang opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga mamimili na
samantalahin ang Diskwento caravan para sa mga produktong pang-Noche Buena sa iba’t-ibang mga mall sa Pangasinan simula nitong Huwebes. Sa isang panayam noong Miyerkoles, sinabi ni DTI Pangasinan provincial director Natalia Dalaten na maaari silang makakuha ng mga discount na hanggang 10 porsiyento sa panahon ng caravan na lalahukan ng Magic Group of Companies at
mga store ng CSI at iba pa.

“Tips (para) sa mga mamimili, kung pupwede ay bumili na sila ng paisa-isa hanggang makumpleto ang mga ihahanda sa Pasko hanggang Bagong Taon kasi pag papalapit na (ang mga nasabing panahon ay) padami ng padami (ang mga) bumibili at maaring hindi na mapapansin (ang) expiration date. At the same time, ang presyo ay baka tumaas,” aniya. Sinabi ni Dalaten na ang current suggested retail prices para Noche Buena products ay umiiral dahil wala pang bagong mga presyo ang inanubsiyo para sa mga produktong ito.

Samantala, nagbabala si Dalaten sa publiko na mag-ingat sa kalidad ng mga dekorasyon sa Pasko, lalo na ang mga Christmas light, na kanilang binibili. Sinabi niya na kailangang lagging suriin ng mga mamimili ang pagiging-tunay ng mga produkto sa paghanap ng Philippine Standard (PS) Quality at/o Safety Mark sa Import Commodity Clearance stickers upang maiwasan ang mga
insidenteng nauugnay sa sunog.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon