DUGOYANIHAN, INILUNSAD SA 75TH ANNIVERSARY NG PRC

BAGUIO CITY

Ipinagdiwang ng Philippine Red CrossBaguio Chapter ang kanilang ika-75 taon anibersaryo sa
pamamagitan ng “Dugoyanihan”, isang bloodletting activity na isinagawa sa Melvin Jones
grandstand, Burnham Park, Baguio City, noong Abril 15. May kabuuang 147 katao ang nag-donate ng kanilang dugo,mula 18 taon gulang pataas, kasama ang ilang police personnel, na nagsimula ng alas 7:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon .

“After getting the blood, it will be separated into components and after that iscreen siya and then pag okay, clear, safe and na-test na it would be issued out to the consumption of the city” ayon kay Jennelyn Terre, officer in charge ng Red Cross Baguio. Kasama sa paghahanda ng event ang Red Cross Youth at SK Chairman ng Baguio City mula sa 128 na barangays. Nagkaroon din ng Human
Cross Formation Pledge of Commitment Testimonial at binubuo ito ng 319 na katao kasama ang partner ng Red Cross, stakeholders at mga donors sa event.

Nagpa-mini concert din sila na ang banda na nagngangalang Anak ng Mahirap band. Ang benepisyo naman ng mga nag-donate ay magiging parte ng Red Cross. Noong 2022, nagkaroon ng
Health Caravan at dinayo ng Red Cross ang ibat ibang paaralan, upang tumulong at magturo. Kapanahunan ng pandemya ay madaming nagparehistro dahil sa takot maapektuhan ng Coronavirus.

Francis Jay Alipio-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon