“E-SABONG TULOY PA RIN”

Nananatiling binabalahura ang kautusan ni Pangulong BBM na bawal ang electronic sabong o e-sabong sa bansa.
Ang masama nito, isa pang tanyag na pulitikong-lider mismo ni PBBM sa Norte ang pasimuno. Sa ilalim ng tatlong
websites ng Sabong World Cup (SWC), nakakapagoperate ang e-sabong na mayroong mga studio o farms kung saan vini-videohan ang mga sabong sa probinsya ng Batangas. Lahat ng tatlong websites ng SWC ay may sariling mga
passwords kung saan malayang makakapasok ang mga afficionado ng e-sabong saan man bahagi ng bansa o mundo, bata man o matanda.

Alam ba ng PNP Cybercrime o mga ahensyang dapat humahabol sa e-sabong na mayroong studio o farm ni alyas
“JCap” sa Ibaan, Lipa, Batangas? Isang Police Colonel ng isang PNP National Support Unit (NSU) sa Region 4A
diumano ang protector at “timbre” ni “JCap” sa kapulisan. Sa ilalim ni “JCap” sa sindikato ay si “AA” o Aries Alvarez bilang operations head at namumuno kina John Anthony Magdadaro bilang namamahala sa Information
Technology (IT) ng operasyon.

Ilang mga personalidad sa sindikato’y pinangalanan ng GO NORTH informant na sina Dade Arguiles bilang
coordinator, kasapi sa technology team (tech team) at bumabakas bilang co-owner; Ajho Dimaano at Vincent Eric
Arive Gobon bilang co-owner; si Aldrin Ablao bilang owner din sa Tanauan, Batangas; Mac Ignacio bilang owner; at alyas Kalasti bilang core-member ng sindikato. Kung totoo ang bulong ng ating source, wala sa sindikato ang sikat na mananabong at Pitmaster owner Charlie “Atong” Ang. Ginagamit lang daw ang Pitmaster brand ni Atong Ang upang ikubli ang esabong nila.

Maaring kasinungalingan ang bulong ng GO NORTH informant at mapapatunayan lamang sa pamamagitan ng
masusing imbestigasyon ng otoridad. Ngunit kung mapapatunayang katotohanan, isakdal sana at parusahan ang
pulitikong-lider sa likod ng iligal na e-sabong, kasama ang mga iba pang kasabwat lalo na ang mga opisyal ng gobyerno upang magpakita ang kaseryosohan ang pamahalaang nagbabawal dito.

 

DANCE THE CHACHA

PANAGBENGASCAPES

Amianan Balita Ngayon