ECO-FASHION SHOW IPINAMALAS SA WOMEN’S MONTH CELEBRATION

Ang mga nagwagi sa Eco-Fashion 2025 na naganap kamakailan sa Baguio Convention Center, bilang culminating activity ng Women’s Month Celebration na may temang “Women in All Sectors, A Brighter Future in the New Philippines”.

Photo by Hadji Mhor M. Sara/UB Intern/ABN


BAGUIO CITY

Makulay, makahulugan, at makakalikasan, ang ipinamalas ng may 45 kalahok mula sa iba’t ibang barangay sa ilalim kanilang mga Kalipi representatives sa ginanap na Eco-Fashion Show sa Baguio Convention Center, noong Abril 3. Sa temang “Women in All Sectors, A Brighter Future in the New Philippines,” ang patimpalak ay inorganisa ng City Social Welfare and Development Office at ng Kalipunan ng Liping Pilipina (Kalipi) Women Federation ang pagsasagawa ng fashion show bilang culminating activity ng Women’s Month celebration sa layuning itampok ang lakas, galing, at pagkamalikhain ng mga kababaihan habang isinusulong ang adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan mula sa kani-kanilang kasuotan na gawa sa recycled materials.

Ayon kay Diaden Duday, committee head ng Kalipi Baguio City Chapter, ang ganitong uri ng aktibidad ay nagbibigay-lakas sa mga kababaihan at nagtuturo sa kanila ng kahalagahan ng wastong paggamit at pagreresiklo ng basura. “Hindi lang ito tungkol sa pagandahan
ng kasuotan, kundi pagpapalakas ng loob at pag-angat ng kanilang kumpiyansa sa sarili.” Iba’t ibang kasuotan ang ipinasilip sa entablado, mula sa apple wrappers, lumang sako, disposable utensils, hanggang sa mga kakaibang materyales gaya ng balahibo at tuyong dayami. Ang bawat disenyo ay may kwento ng bayanihan, diskarte, at pagmamalasakit sa kapaligiran. Ang mga nagwagi sa 2025 Eco Fashion Show ay ang mga sumusunod:

• Grand Champion – Carmelita F. Sumerbang (San Luis)
• 1st Runner-Up – Aliyah Guinevere G. Ringor (Salud Mitra)
• 2nd Runner-Up – Donna T. Anodon (Loakan Apugan)
• 3rd Runner-Up – Catherine B. Paquito (Irisan)
• 4th Runner-Up – Milagros Bacani (East Modernsite)

Hadji Mhor M. Sara/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon