Naalarma ang isang local ecological group sa lungsod sa tinatawag na “invasion” ng Busol at Buyog watersheds, parehong opisyal na naideklarang forest reservation areas at pinagkukunan ng maiinom na tubig para sa mga residente ng lungsod.
“We should help each other in continuing to protect our watersheds,” ani Lawyer Erdolfo Balajadia, dating konsehal ng Baguio na kasalukuyang pinuno ng 30-year-old multi-sectoral group na Baguio Regreening Movement (BRM) sa ginanap na executive committee meeting ng grupo noong Abril 10, 2018.
Nagpahayag si Balajadia ng pagkabahala sa patuloy na invasion sa Busol watershed, ang pangunahing pinagkukunan ng ginagamit na tubig ng mga residente ng lungsod.
Ang BRM, na binubuo ng mahigit 30 representatives mula sa iba’t ibang government agencies na sangkot sa proteksiyon ng kapaligiran, community volunteers, at mga pribadong sector, na naglabas ng kasunduan upang ipagpatuloy ang pagbabakod sa 102 ektaryang Busol watershed.
Ang proteksyon ng Busol watershed ay nasasaad sa Proclamation 15 na inilabas noong Abril 17, 1922, na pagkilala sa lugar bilang isang forest and water reservation. Ito ay hangganan ng lungsod ng Baguio at bayan ng La Trinidad sa Benguet.
“We should never compromise the boundary line of the reservation in favor of those illegal settlers inside Busol,” diin ni Balajadia sa pulong. “We have to protect our watershed. It is our main source of water in Baguio. Fencing cannot transfer the legal boundary; it is non-negotiable.”
Naihayag sa pulong na ilang bahagi ng fence ang tumutukoy sa boundaries ng watershed na kinakailangang tanggalin dahil sa nakatayong mga istraktura na ayon sa grupo ay itinayo ng mga illegal settlers.
“This is Baguio’s life and we cannot just sit down and wait until it deteriorates in full,” ani Balajadia.
Samantala, isa pang Baguio watershed, Buyog, ay pinapasok na rin ng mga pribadong indibidwal.
Sabi pa ng grupo na isang pribadong tao ay inaangkin ang bahaging ito, tulad sa Busol, na inilipat ang fence lining ng forest reserve upang magbigay daan sa construction ng bahay na ipinapatayo roon.
“I cannot understand why even if everybody knows what is happening inside Buyog watershed, nobody is doing something about it,” daing ni Balajadia.
Ang Buyog watershed ay idineklarang forest reserve ng Proclamation 93 noong 1992.
“Let us be wary of all these illegal activities to protect our watersheds. This is about the supply of our water in the city,” patuloy ni Balajadia.
Isinisigaw ng BRM ang patuloy na pagbabakod sa Buyog upang masarhan at protektahan ang buong reservation area. L. AGOOT, PNA / ABN
April 14, 2018
April 14, 2018
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025