Eleksiyong pambarangay, tuloy o hindi?

Mar 3, 2018

Bago sa talakan, kami ay sumasaludo muna sa lahat nang nasa likod ng muling kahandaan nitong Fire Prevention Month.  Napapanahon ito dahil tag-init na. Sabi nga nila, ang sablay na pag-iingat ay nagbubunga ng kalamidad. Di lingid sa lahat na sa tuwing sumasapit ang buwang ito, bago pa man ay may naitatala nang mga sunog lalo na sa NCR. Katunayan nga bago nag-Marso, isang malaking sunog ang naganap sa  Quezon City kung saan mga tatlong daang pamilya ang nawalan ng bahay. Ang sanhi? Simple lang – nag-overheat na charger na naiwang nakasaksak habang wala ang may-ari.  Mantakin mo sa isang pagkakamali lang, libong katao ang nawalan ng bahay at mga ari-arian. Kaya, lagi tayong mag-ingat upang di mangyari ang ano mang uri ng sunog sa ating sosyodad.

******

Malapit na ang barangay election kasama ang pang-SK.  Pero muling gumapang na ala-sunog ang pangamba at usap-usapan sa ngayon – kung tuloy na ba talaga ang naturang eleksiyon? Alaala natin na ilang beses na itong iniatras sa maraming kadahilanan. Kamakailan, may mga nagpatutsada na dapat daw ay iatras muli ito upang mabigyan muna ng panahon para sa Cha-Cha na ang puntirya ay ang pagpapalit ng porma ng ating gobyerno. Sabi nila, kapag natuloy ang amyenda sa ating konstitusyon at magpapalit tayo ng porma ng pamamahala, talagang mag-iiba ang ihip ng hangin tungkol sa eleksiyon. Sabi ng mga analyst: kung magiging Federal-Presidential ang porma ng ating gobyerno, maisasantabi muna ang eleksiyong pambarangay.  Malaking palaisipan nga naman ire sa ngayon.  Kaya marami ang nagtatanong kung tuloy ba o hindi ang naturang halalan?

******

Kamakailan, sinabi ng Malakanyang na tuloy ang barangay eleksiyon sa takdang panahon. Puspusan na nga ang paghahanda ng Comelec lalo na sa isyu ng rehistrasyon. Meron pa ngang pumutok na balita na maraming mga flying voter na ang nakapagparehistro sa may Pasay City kung saan halos lahat sila ay nakatira sa may riles. Nakapagtataka ito kaya bukilya. Talagang gustong bahiran ng dumi ang barangay election. Tsk tsk, agaammotayon. Mula dumi sa kuko ng ating paa hanggang sa tuktok ng ating ulo, alam na natin ang ating galing sa paggawa  kung illegalidad ang usapan. Tiyak, sabi nila,  mga malalaking tao ang nasa likod niyan. Dapat lang na nabuking at dapat lang na may mapaparusahan.  Mantakin mo pards, kung nangyari yan sa may riles sa Pasay (NCR), pwede ring mangyari sa ibang lugar. At malaki ang epekto nito sakaling matuloy ang eleksiyon-pambarangay. Kung hindi nasupalpal ang balak ng mga ungas, anong klaseng resulta ng eleksiyon ang ibubunga? Natural mga buwayang di-kaliskis ang mapupuwesto at kawawa ang mga naghalal dahil papalpak muli ang serbisyo sa bayan.  At sa ganitong nabulgar na sistema, sabi ng ilan, mas maigi pang i-atras na lang ang halalan.

******

Mas nakararami ang humihiyaw na dapat lang na ituloy ang barangay election. Maraming rasones. Isa sa mabigat na dahilan ay upang mapalitan na ang mga kumag, este bulok na serbisyong mga opisyal lalo na yung dawit sa graft at illegal drugs. May ulat noon ang pangulong Digong na may mga barangay official ang nasa drug list na hawak niya. Kaya nga na-iatras noon ang halalang ito upang maiwasang magamit ang drug money sa eleksiyon. Pero ngayon dapat  daw na matuloy na. Tanong: wala na kayang drug money na aagos? Abangan ang susunod na kabanata. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest