BAGUIO CITY
Nananatiling mataas ang employment rate sa rehiyon ng Cordillera,ayon sa Philippine Statistic Office. Ayon sa datos ng PSA, as of January 2024, naitala ang 96.7 percent na employment rate sa rehiyon, mas mataas keysa sa national employment na 95.5 percent. Naitala naman ang 3.3 percent ang unemployment rate, mas mababa sa national
unemployment na 4.5 percent. Mula sa tinatayang 1.3 milyon working age population sa rehiyon, 64.43 percent ang kabilang sa labor force.
Karamihan sa mga manggagawa ay matatagpuan sa service sector, agriculture at industry sector. Maraming employers din ang nangangailangan ng manggagawa sa business process outsourcing, construction at sa tourism and hospitality. Ayon naman sa DOLE, nalutas na ang skills mismatch sa labor force ng Cordillera dahil sa Career Guidance Program ng ahensya, kasama ang Department of Education at Commission on Higher Education sa mga estudyante.
Nakatulong pa rito ang pagpapatupad ng Labor Employment Plan 2023-2028 na nagmamandato sa upskilling at
re-skilling ng mga job seekers. Ilan lamang ang natatanggap ng DOLE na labor related complaints at regular ang ginagawang pagsusuri sa mga trabahuan para makita ang kalagayan ng mga empleyado at pagtalima ng mga employers sa labor standards. Iminamandato din ng ahensya ang regular na pagsasanay ng mga health and safety officers ng bawat construction work na siyang titiyak sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa.
Zaldy Comanda/ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024