Enchanting Baguio Christmas

Inaanyayahan ni Baguio City mayor Benjamin B. Magalong ang lahat ng bisita na mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas para tunghayan ang special events na magbibigay ng kasiyahan sa bawat pamilya ang Enchanting Baguio Christmas. Ngunit ipinaalala at ipinakiusap ni mayor na kung maaari na iiwan na lang ang mga sasakyan sa inyong tirahan at mag commute na lang sa jeepney upang maiwasan ang trapik dahil limited lang ang parking sa ngayon. Kasama rin sa talakayan sina Gladys Vergara – chair ng Baguio Tourism Council, DOT-CAR OIC Jovie Ganongan, Project Filmmaker Ferdie Balanag at City Tourism Officer Alec Mapalo sa ginanap na Kapihan sa Baguio noong Nobyembre 20, 2019.

Mario Oclaman / ABN

Amianan Balita Ngayon