Entrance fee sa Baguio Botanical Garden itataas

LUNGSOD NG BAGUIO – Magsasagawa ang pamahalaang lungsod ng isang public hearing upang makalikom ng mga suhestiyon sa panukalang pagtaas ng entrance fee sa Baguio Botanical Garden.
Pangungunahan ng City Environment and Parks Management Office ang public hearing na nakatakda sa May0 25, 2022 na mag-uumpisa ng 2PM sa Baguio Convention Center.
Kasalukuyang kumokolekta ang pamahalaang lungsod sa pamamgitan ng City Treasury Office ng PhP5 bilang entrance fee para sa mga bata at PhP10 sa mga matatanda base sa mga probisyon ng Environmental Code na ipinasa noong 2016 (Ordinance No. 18-2016) ng lungsod.
Isinara ang Botanical Garden sa publiko Mayo noong nakaraang taon para sa rehabilitation works lalo na sa development ng orchidarium, Dahlia Garden, Cosmos Bed, Azalea Mountain, Sunflower Section, Milflores River, Colors of Impatiens, Waves of Yellow Marguirite, Lilies of Baguio, Asian Garden at Everlasting.
Muling binuksan ito sa publiko noong Marso 6, 2022 sa pagbubukas ng Panagbenga Festival. Sinabi ni Atty. Rhenan Diwas, department head ng CEPMO na nakakolekta ang lungsod ng mahigit PhP800,000 mula sa emtrance fee noong Marso at higit PhP1.5 milyon noong Abril.

Amianan Balita Ngayon