EPEKTO NG ECONOMIC CRISIS SA KABABAIHAN, TINALAKAY SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Kasama ang Cordillera Women’s Education, Action Research Center, Inc., University of Baguio School of Teacher Education and Liberal Arts Student Body, matagumpay na nailungsad ng opisina ni Councilir Arthur Alad-iw ang diskusyon sa usaping Economic Crisis and its impact to Women noong Marso 10, sa Baguio City Multi-purpose Hall. Binigyang-diin sa talakayan ang kasalukuyang
kalagayan ng ating mga kababaihan, ang ating ekonomiya, trabaho, krisis, at kahirapan.

Naging tampok din sa usapan ang iba’t ibang testimoniya ng iba’t ibang kababaihang nakaranas sa
direktang impact ng ekonomiya. Naging kasama sa diskusyon ang ilan sa mga kagalang-galang na
representiba ng iba’t iba’t Non-goverment offices on women, DILG, LGU offices, at ilang pang-akademikong institusyon. Pinabulaanan naman ni Ma’am Abigail Anongos, Executive Director ng
CWEARC na nararapat na magsagawa ng ganitong klaseung usapin hindi lamang para sa mga kababaihan kundi para sa pangkalahatan dahil hindi lahat ay alam kung ano ang direktang impact ng developmental issues sa lipunan.

“It is really important to raise awareness to see the impact of these has on women so that different stakeholders in society can determine which actions to be done to address the situation of women”, sabi ni Anongos. Samantala, nabanggit naman ni Hon. Arthur Alad-iw at ang City Social Welfare na
mayroong iba’t ibang programa ang kani-kanilang opisina para sa mga kababaihan at ilang mga
ordinances ay kasalukuyan ding isinaayos para sa kababaihan.

Chasetine Glad Banig-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon