EPEKTO NG PAGGAMIT NG MALAKING TRASH BINS SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Sinimulan ang trial period ng paggamit ng malalaking basurahan sa paligid ng siyudad,upang mas mapabuti ang pag kontrol sa mga basura at kalat. Ang opisyal na pangalan na proyektong ito ay Proof of Concept of the Proposed Solid Waste Collection System sa pangunguna ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Ang kasalukuyang sakop ng proyektong ito ay ang Burnham Park, Session Road, at Harrison Road, kung saan mataas ang bilang ng mga tao na dumadaan sa mga nasabing lugar.

Ayon kay Kenneth Roy Nabus, publice service assistant ng Solid Waste Management Division, positibo ang mga natatanggap nilang tugon mula sa mga tao na nakakagamit na large waste bins
at mga barangay na sakop proyektong ito. Mas malaking espasyo para sa mga basura, bawas na
kalat sa kalsada at bangketa at mas maayos na pagkolekta ng mga laman ng basurahan, iyan
ay ilan lamang sa benepisyo na nakikita ng departamento solid waste sa loob trial period ng proyektong ito, na nagsimula noong Marso.

Hinikayat ni Nabus na patuloy na suportahan ang mga project ng lungsod para rin sa ikakaunlad, ikakalinis, at ikakaganda ng siyudad. Hinihikayat din niya na gamitin ng maayos ang mga nakalagay na malalaking basurahan sa paligid.

Paolo Felipe-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon