EPEKTONG DOMINO NG MATITINDING SAKUNA DAPAT PAGHANDAAN

Maraming tropikal na bagyo ang nakaapekto sa Pilipinas sa loob lamang ng isang buwan na nagresulta sa milyun-milyong apektado, paulit-ulit at matagal na dislokasyon, nasira at nawasak na mga bahay at matagal na pagbaha na humadlang sa mga komunidad na ganap na makabawi. Sa loob ng isang buwan ay anim na tropical na mga bagyo ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na may iba’t-ibang lakas mula evere Tropical Storm hanggang Super Typhoons na ngadadala ng malakas hanggang matinding pag-ulan o malakas hanggang sa grabeng hangin.

Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang pinagsamang bilang ng taong apektado ng anim na bagyo ay mahigit 10 na milyon o nasa 2.7 milyong pamilya. Hindi pa matukoy ng mga rekord kung ilang mga komunidad ang napilitang lumikas nang maraming beses. Mahigit 750,000 katao ang nanatiling lumikas, kung saan mahigit sa 160,000 katao ang nasa 590 evacuation centers habang higit 460,000 katao ang pansamantalang naninirahan sa ibang lugar.

Ang cluster ng Camp Coordination and Camp Management (CCCM) ay nagsaad na ang malaking bilang ng mga lumikas sa labas ng mga evacuation center ay hindi na nakabalik sa kanilang mga tahanan at natutulog sa mga open space.  Ang mga numerong ito ay maaari pa ring magbago sa pagpasok ng mga karagdagang tropical na bagyo sa bansa. Ang pambihirang magkakasunod na mga bagyo sa loob lamang ng tatlong linggo ay nag-iwan ng higit 160 ang namatay Ang kabuuang lawak ng pinsala o epekto ng maraming bagyo ay inaalam pa dahil nagpapatuloy pa rin ang mga ito.

Iniulat ng NDRRMC na mahigit 207,000 bahay ang nasira sa 17 sa 18 rehiyon sa bansa. Ang pinsala sa imprastruktura ay umabot na sa PhP12.06 bilyon gayunpaman iniulat ng Department of Public Works and Highways
(DPWH) na kailangan pa rin ang field validation. Habang ang karamihan sa mga “critical lifelines” ay naibalik na, ang pag-access ay maaaring mahadlangan ng paparating pang mga bagyo. Ang malakas hanggang matinding pag-ulan na negatibong nakaapekto sa kabuhayan at seguridad sa pagkain ng mga magsasaka at mangingisda sa mga apektadong lugar, lalo na sa rehiyon ng Bicol.

Ang kabuuang pinsala sa sektor sa ngayon ay mahigit ng PhP7.266 bilyon. Ang lalawigan ng Camarines Sur ang pinakanapinsalang agrikultura na tinatayang nasa PhP2.3 bilyon, 33,145 ektarya ang napinsala, at naapektuhan ang 34,260 na magsasaka at mangingisda. Nasa 12 milyon na estudyante ang nagambala ang kanilang pag-aaral sa 30,000 paaralan. Nasa 2,000 paaralan, 4,200 silid-aralan ang nasira. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay gumastos ito ng kabuuang higit PhP1 bilyon sa quick response funds para sa mga biktima ng kamakailang anim na bagyo na humambalos sa bansa.

Ang Pilipinas ay hinahampas ng humigit-kumulang 20 bagyo sa bawat taon. Madalas itong tinatamaan ng mga lindol at mayroong higit sa isang dosenang aktibong bulkan, na dahil dito ay itinuturing ang bansa na isa sa may pinakamaraming sakuna sa buong mundo. Sa mga apektadong lugar, ang pagkawala ng pabahay, imprastruktura ng komunidad at komersiyal na mga lugar ay makabuluhan at ang lawak ng pinsala ay magiging mapanghamon at lilikha ng mga hadlang sa pagbawi at pagbangon muli.

Sa maraming komunidad sa kanayunan, ang mga kondisyon ng pabahay ay kadalasang mahirap bago ang bagyo, at ang pagkawala ng mga pabahay ay hahantong sa pagtaas ng pagsisikip sa mga shared at communal shelter, na maaaring makaapekto sa kalusugan, lalo na sa mas mataas na panganib ng pagkakasakit. Ang mga kagyat na pangangailangan pagkatapos ng bagyo sa ganitong sukat ay kinabibilangan ng emergency shelter, pagkain, tubig, kalinisan, suporta sa paglikas, muling pagkonekta ng pamilya, pangangalagang pangkalusugan, proteksiyon ng mga populasyong nasa panganib at pamamahala ng kaso.

Ang mga pangangailangang ito ay magpapatuloy kahit nagsisimula ang yugto ng pagbangon. Bilang karagdagan sa agarang pagtugon, ang mga pangmatagalang pangangailangan sa pagbangon ay kinabibilangan ng muling
pagtatayo ng mga tahan at imprastruktura ng komunidad, pagpapanumbalik ng kuryente at tubig at mgas istema ng sanitasyon, suporta para sa mga nasirang negosyo at agrikultura. Sa hindi na maitatangging pagtindi ng mga likas na sakuna ay tila hindi na kakayanin ng gobyerno na nag-iisa lamang ang pagtugon sa iiwan pang mga epekto sa bansa, kailangan na rin ng ibayong tulong ng mga nasa pribado sektor lalo na at tila kaunti o halos wala ng ibang bansa ang tutulong sa atin dahil sila man ay hinahagupit din ng pinsala.

Amianan Balita Ngayon