Isang dating Barangay Chairman,na inakusahang government supporter laban sa New People’s Army, ang pinatay sa harap mismo bg kanyang asawa sa bayan ng Tinoc,Ifugao.
Sa report bg Tinoc MPS, kinilala ang biktimang si Joseph Calabson,47,bg Barangay Tukucan, Tinoc,Ifugao. Sa imbestigasyon,ang biktima,kasama ang kanyang asawang si Maya Calabson, ay nasa loob bg kanilang compound sa ginagawang bahay,nang tatlong di-pa nakikilang kalakihan na pawang naka-back pack,ang biglang pumasok dakong alas 11:00 ng umaga ng Marso.
Ayon kay Maya, sinalubong at binati ng kanyang asawa ang isa sa mga suspek,na nagpakilalang Francis, habang ang isa ay pumasok sa loob ng ginagawang bahay.
Isa sa mga suspek ang ibinaba ang kanyang backpack at inilabas ang baril at binaril ang biktima at sinundan pang pagbabarilin ito ng isa pang suspek na galibg sa loob ng bahay.
Bago umano umalis ang mga suspek ay nag-iwan ng apat na kopya ng sulat mula sa Nona Del Rosario Command ng NPA na nag-ooperate sa Ifugao at inaakusahan ang biktima na supporter umano ng Philippine Army.
Zaldy Comanda/ABN
May 3, 2025
May 3, 2025