“EXPRESS DRIVER’S LICENSING” RAKET SA LTOARITAO (NUEVA VISCAYA) BUKING”

Nasabat sa Bokod, Benguet noong Biyenes ng hapon (June 27, 2025) ng pinagsanibpwersang Department of Transportation-Cordillera (DOTr-CAR) traffic regulation enforcers, Regional Highway Patrol Unit (RHPU-Cordillera) at Baguio City police ang halos dalawang dosenang “aplikante” ng driver’s license lulan ng tatlong pribadong sasakyan pabalik na mula
Aritao, Nueva Vizcaya. Dala-dala ng mga “aplikante” ang kanilang driver’s license mula sa LTOAritao District Office (Nueva Vizcaya) sa paniwalang makakalusot sila sa pinahigpit nang proseso ng pagkuha ng lisensyang makapagmaneho ng pribado o pampasaherong sasakyan. Pinaniwala ng sindikato ng mga fixer na sa “package fee” na P9,000.00, wala nang written
at practical examination at mabilis ang proseso sa LTO Aritao District Office. Ayon sa bagong talagang DOTr-CAR regional director, retired Brig. Gen. Glenn Dumlao, sa loob lamang ng isang linggo, mula June 20 hanggang June 27, naka-apat nang byahe ang mga fixer at nagkamal na ng halos isang milyon sa 100 driver’s license applicants na nagmumula pa sa Pangasinan, La Union, Baguio City at Benguet.

Nagtatagumpay ang daandaang libong raket ng mga fixer dahil sa mga kakontsaba nila sa LTO-Aritao District Office at marahil hanggang sa LTOCagayan Valley regional office. Ngunit sa pakikipagtulungan ng mga aplikanteng nabiktima ng mga fixer at mga drivers ng mga sasakyang ginamit upang magbyahe ng aplikante papuntang LTO-Aritao District Office, maaring maumpisahang masawata na ang “express drivers licensing” raket at matunton sino ang mga sangkot sa sindikatong ito mula sa LTO. Halos isang libo lamang ang kinakailangan ng isang aplikante upang tamang makapag-proseso ng lisensya. Nangangahulugang P8,000 ang kabuoang ibinubulsa ng sindikato bawat nabibiktima nilang aplikante.
Maliwanag na pagbabalahura sa proseso ng pagkuha ng driver’s license ang raket ng sindikato, ayon kay RD Dumlao, bukod pa’y nangangahulugan din itong nagbabadyang kapahamakan sa publiko dahil hindi na nasasala ayon sa kakayahan at kaisipang magmaneho (pampribado man o pampublikong sasakyan) ang mabibigyan ng lisensya. Ang dulo nito’y nagbabadyang malaking kapahamakan sa kaayusan at kaligtasan ng publiko ang resulta ng raket ng sindikato sa kabila ng pagdami ng istadistikang halos karamihan
ng mga aksidente sa mga lansangan ngayo’y dahil sa “driver’s error”.

By: Artemio Dumlao

Amianan Balita Ngayon