FIRE INCIDENTS TUMAAS SA BAGUIO CITY

BAGUIO CITY

Iniulat ng Baguio City Fire Department na tumaas ang insidente ng sunog ngayong taon, kumpara sa nakalipas na taon sa iba’t ibang lugar sa Summer Capital. Batay sa datos ng BFPBaguio City, simula noong buwan ng Enero hanggang Marso ay may naitalang 15 structural fire, 7 vehicle fire, 11 grass fire, 9 forest fire, 2 rubbish fire, at 1 electrical post fire na may kabuuang bilang na 45 fire
incidents sa siyudad. Ayon kay Senior Fire Officer 1 Lloyd Ashley Furigay, noong 2022 mayroon lamang naitalang 61 fire incidents.

Aniya, patuloy na pinaigting ng departamento ang kanilang fire safety campaign sa kabila ng dumaraming insidente ng sunog sa iba’t ibang bahagi ng lungsod simula nitong taon. Dagdag pa ni Furigay, ang mga pangunahing rason ng pagtaas ng fire incidents sa lungsod ay pagsusunog ng
basura at tuyong dahon, cigarette butts, paglalaro ng lighter at match sticks, bonfire, at iba pa.

Aniya, ang BFP ay nagsasagawa ng fire safety seminar, fire drill training of fire brigade, fire safety inspection sa mga establisyemento at fire station visit at radio guesting upang mas mapalawak pa ang fire safety awareness sa publiko. “Meron din kaming programang tinatawag na community auxiliary group, ito ay binubuo ng mga barangay officials na aming sinasanay para maging katuwang namin sakaling may sunog at kung may hindi inaasahang pangyayari” pahayag ni Furigay.

Nagbigay paalala din siya, na iwasan ang octopus wiring, palaging surihin ang electrical system ng mga tahanan, bunutin ang mga appliances na hindi ginagamit, at iwasang pabayaan ang mga nilulutong pagkain. Binigyang diin din niya na kasama ng publiko ang kanilang tanggapan sa pag-iwas sa paglaganap ng sunog sa siyudad. Maaring kontakin ang kanilang opisina gamit ang mga
sumusunod na numero 442- 2222/09124096114/4427930 or 911.

Vina Pillar-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon