Ang isyu sa isang memorandum ng Pines City Colleges na nag-uutos ng ‘mandatory pregnancy testing’ para sa mga estudyanteng babae nito na kumukuha ng kursong dentistry, nursing at pharmacy ay hindi na bago sa nasabing paralan. Isa itong polisiya ng paaralan na matagal na raw nilang ipinapatupad sa hangaring makamit ang maayos na edukasyon at social responsibility gayundin para daw sa kaligtasan at proteksiyon ng kanilang mga estudyante.
Naninindigan ang Pines City College sa kanilang polisiya ng pregnancy test para sa mga babaeng estudyante na maaaring maglagay sa panganib kapuwa sa ina at batang dinadala niya. Naniniwala raw ang pamunuan ng paaralan na isang polisiya nila na protektahan ang kanilang mga estudyante habang sila ay nasa pangangalaga nila at naitalaga sa internship programs sa mga ospital at sumailalim sa clinical practice. Isa pa ay, isa itong polisiya na inayunan ng mga estudyante sa kanilang enrollment sa nasabing kolehiyo.
Pumutok ang isyung ito dahil sa isang post sa twitter na nag-viral hanggang umikot at pinagpiyestahan na naman sa Facebook. Gaya ng dati ay sinakyan na naman ito ng mga grupong tagatangkilik sa karapatan ng mga kababaihan at sumawsaw na rin ang Commission on Human Rights at pati na ng Kabataang Partylist sa kongreso na nagpailanlang ng mga panawagan at banta ng imbestigasyon. Ang nasabing mandatory pregnancy test ay binatikos ng Gabriela Women’s Party na isang diskriminasyon, paglabag sa batas, at pagpapaalala sa isang lumang kaisipan at kahihiyan na ang pagdadalang-tao ay hindi katanggap-tanggap sa lipunan at laban sa kaugalian. Paglabag daw ang mandatory pregnancy test sa Magna Carta of Women o ang Republic Act 9710 ipinagbabawal ang diskriminasyon laban sa mga babae. Maliban dito ay bakit kailangan pang akuin ng mga estudyante ang bayad sa test na P150 na karagdang gastos sa mataas ng mga bayarin sa paaralan at mas mahal pa kaysa sa mga nabibiling pregnancy test sa pharmacy?
Wala tayong narinig na nagreklamo mismo sa mga estudyante na kung hindi pa nai-post at nag-viral ang isyung ito ay sa Facebook ay hindi pa malalaman ang mga ganitong gawain sa mga paaralan. Kahit pa gaano kaganda ang intensiyon para sa ikabubuti ng mga mag-aaral kung may mga karapatan at iba pang batas na nalalabag ay hindi dapat ipatupad ito. Sa rikisitong ito ng PCC ay maaaring malabag ang pribadong karapatan ng mga babae gayundin ang kanilang katawan. Hindi dapat mapagkaitan ang kababaihan na isagawa at maging maligaya sa kanilang pangunahing mga karapatan. Hindi dapat sila magdusa sa mga negatibong pangyayari sa loob ng paaralan at trabaho dahil lamang sa sila ay buntis. Ang responsibilidad ng kanilang pagbubuntis ay tanging sila lamang ang tanging mananagot dahil kagustuhan na nila ito, at anuman ang kahihinatnan ng kanilang ginawa ay sila rin ang magdurusa.
November 17, 2018
November 17, 2018
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025