PARACELIS, Mt. Province
Arestado ang isang 44- anyos na geodetic engineer matapos mahulihan ng shabu at baril sa loob ng kanyang bahay sa isinagawang search warrant operation ng Mt.Province Provincial Police Office sa Barangay Bantay, Paracelis, Mt. noong Hunyo 1. Ayon sa Mt Province PPO, matagal nang minamanmanan ang lalaking suspek na kilala rin bilang High Value Individual (HVI) kaugnay ng pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.
Sa search operation, nadiskubre ng mga operatiba sa bahay ng suspek ang dalawang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 13.7 na gramo ang bigat, na may Standard Drug Price na P93,160.00; isang cal. 22 rifle na walang serial number; at iba’t ibang drug paraphernalia. Nagsagawa ng on-site inventory ng mga narekober na ebidensya sa presensya ng naarestong suspek, at sinaksihan ng kinatawan ng media at tatlong Barangay Kagawad ng Barangay Bantay.
Zaldy Comanda/ABN
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025