LA TRINIDAD, Benguet
Kinagiliwan ang higanteng Strawberry Cake na hugis “Kayabang” na itinampok ng municipal government sa matagumpay at makasaysayang selebrasyon ng Strawberry Festival sa bayan ng La Trinidad, Benguet. Ang Kayabang ay isang tradisyunal na basket ng mga Ibaloi at ang cake ay may taas na 10 talampakan ay hugis “Kayabang” na sumisimbolo sa kasaganaan ng ani ng bayan. “Itong kayabang ay simbolo ng ating pagsisikap at pagpapahalaga sa ating agrikultura. Ang pagdiriwang na ito ay pasasalamat natin sa
masaganang ani at biyaya ng ating bayan,” pahayag ni Mayor Romeo Salda.
Dalawampung panadero ang nagtulong-tulong upang mabuo ang cake, gamit ang 150 kilo ng itlog, 375 kilo ng harina, 322 kilo ng asukal, 345 kilo ng all-purpose cream, at 700 kilo ng fresh strawberry. Umabot ng isang buwan ang preparasyon at tatlong araw ang aktuwal na
pagluluto at pagbuo nito. Dahil dito pinilahan ng daan-daang residente at bisita ang nasabing cake at bukod pa sa pagiging tampok na atraksyon, nagsilbi rin itong photo backdrop ng mga bisita bago ito hiwain sa 16,000 slices. Matagal nang bahagi ng kasaysayan ng La
Trinidad ang paggawa ng higanteng strawberry cake.
Noong 2005, itinampok ang bayan sa Guinness World Records para sa pinakamalaking strawberry shortcake na may timbang na 9,622.23
kilo. Ayon kay Salda, hangad nilang ipagpatuloy ang tradisyong ito taon-taon bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kultura at agrikultura ng bayan. “Dapat nating panatilihin ang ating pamana at patuloy na ipagmalaki ang La Trinidad,” aniya. Sa ilalim ng temang “Semek La Trinidad” o “Love La Trinidad,” layunin ng festival na ipakita hindi lang ang kasayahan kundi pati ang diwa ng pagkakaisa, turismo, at pangangalaga sa kalikasan.
Jude Mark Biccay/UB-Intern
March 29, 2025
March 29, 2025
March 29, 2025
March 29, 2025
March 29, 2025