LUNGSOD NG BAGUIO – Bilang tugon sa panawagan ng mga tao upang iligtas ang mga punong pino ay nagpila si Baguio congressman Marquez Go ng isang panukalang batas sa House of Representatives na humihiling sa pagpapatupad ng isang moratorium sa pagputol ng punongkahoy sa “Lungsod ng mga Pino.”
Inaasahan na ang panukalang batas ni Go ay magiging bahagi ng laban upang protektahan ang mga punongkahoy sa lungsod. Layon ng panukalang batas na patigilin ang pagpuputol ng mga punongkahoy maliban sa mga patay nan a nagiging banta sa mga buhay at pag-aari at maaaring maapektuhan ang ibang buhay na punongkahoy.
Sa oras na maging batas, kahit mga may-ari ng pribadong lupa hindi lang malalaking korporasyon at lahat ng lupa ng gobyerno ay kailangang ikonsidera ang pag-iral ng mga punongkahoy at lumikha ng mga disenyo na maaari silang magtayo sa palibot ng mga punongkahoy.
Ang hakbang ay kasunod ng dalawang naunang panukalang batas ni Congressman Go, ang House Bill 6930 na nag-uutos sa mga magulang na magtanim ng dalawang punongkahoy sa bawat isisilang na bata, at House Bill 6931 na hinihingi sa mga estudyante sa Senior High School at kolehiyo na magtanim ng dalawang punongkahoy bilang requirement sa kanilang pagtatapos. Ang dalawang panukalang batas ay naaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara.
Nauna dito ay inihayag ni City Environment and parks Management Office (CEPMO) head Renan Diwas ang pangangailangan na iligtas ang mga punjongkahoy sa Baguio. Bingiyan-diin niya na kung mawala ang mga punongkahoy ay ibig sabihin nito na mawawala rin ang pagkakakilanlan ng Baguio bilang “City of Pines”.
Mariing hiningi ni Baguio City Councilor Lloyd Orcales ang isang moratorium. “The youth of Baguio with all its people, denounces this type of blatant disregard to the value of trees to our people and our future. The City of Baguio will remain as steward for the protection and preservation of our remaining tree covers. Further, we do not want our children and our children’s children not to be able to breathe clean fresh air and deprive them of the future they deserve, let us together save our youth while we still can,” ani Orcales.
AAD-PMCJr.-ABN
July 18, 2020
July 18, 2020
July 5, 2025
July 5, 2025