GOOD GOVERNANCE, ISULONG SA BARANGAY- MAGALONG

BAGUIO CITY

“Wala kayong dapat ipagpasalamat sa mga pulitiko sa inyong pagkapanalo, kundi kayo ay inihalal ng inyong mga constituents sa barangay, kaya dapat nyo itong suklian ng tapat na paglilingkod at isulong ang good governance sa inyong barangay.” Ito ang paunang sinabi ni Mayor Benjamin Magalong bago ang panunumpa ng bagong halal na 1,024 barangay official sa lungsod, na
kinabibilangan ng 128 Punong Barangay,896 Kagawad, sa simpleng seremonya na ginanap sa city hall ground, noong Nobyembre 20.

Iginiit din ni Magalong na dapat iresponsable ang barangay sa isinusulong ng city government sa pagpapatupad ng solid and liquid waste management. “ Katunayan, sa pagbibista ko sa ibang bansa ay tayo na lang ang nahuhuli sa implementasyon nito,kaya dapat pagtuunan natin ito ng pansin
para malabanan natin ang climate change.” Nakiusap din si Magalong sa mga bahong halan na
Punong Barangay na pumili ng karapat-dapat na magiging representative na Presidente ng Liga ng mga Barangay,na siyang uupo sa city council, na magaganap ang eleksyon sa Disyembre 15.

Aniya, “usap-usapan na kasi ngayon na kung sino ang may malaking per ana ibibigay ay siya na ang
panalo. Napakasakit isipin ang ganitong mga isyu na pera-pera lang para manalo ka sa barangay. Nakakalungkot po kung ganito ang magiging kalakaran, dahil hindi natin napipili ang isang kandidato na may tapat na paglilingkod sa kanyang barangay.Huwag sa nating pairalin ito sa ating
lungsod,dahil kinikilala ang ating siyudad na peaceful tuwing eleksyon,kaya huwag nating haluan ng korapsyon.”

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon