‘GULAYAN SA PAARALAN’ ISINUSULONG NG SYUDAD

BAGUIO CITY

Isinusulong ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ang pagkakaroon ng “gulayan sa paaralan “ sa lahat ng ng pampublikong paaralan upang magkaroon ng kaalaman ang mga estudyante sa
pagtatanim ng gulay na isa sa mga pangu7nahing pagkain na nagbibigay ng maayos na kalusugan sa mga mamamayan. Ayon kay Magalong kailangan aniya na ratipikahan ang isang resolution na may No. 561 series ng 2022 na hikayatin ang lahat ng pampulikong paaralan sa syudad na magtanim ng gulay sa kanilang mga bakanteng lote na maaring magamit bilang garden ng gulay.

Ang nasabing resolution ay hawig aniya sa isang resolution na ipinasa ni Scout Official for a Day na si Ralph Gwyneth Sapdoy na inaprubahan noong Nobyembre 7, 2022 sa isang SOFAD council
session. Sinabi ni Magalong na , “Having a vegetable garden in educational institutions is an
innovative way of teaching students to value the importance of being resourceful and innovative in food source and livelihood”.

Aniya kapaga naisakatuparan ang nasabing panukala ito ay maaring magsilbing source ng livelihood ng bawat paaralan at makakatulong sa mga estudyante. Ayon sa Food Agriculture
Organization ng United Nations isinasaad na ang urban gardening ay isa sa mga industriya nan a nagsasagawa ng mga pagkakaroon ng masagaang process food at malawak na pangangailangan
ng mga consumer.

Gaby B. Keith/PIO/ABN

Amianan Balita Ngayon