BUKAS, magkakaalaman na kung sino ang mga mapapaiyak sa tuwa at galakm habang ang marami naman ay magpapabaha ng luha ng pighati at siphayo, Boboto na tayo. Ang ilan sa atin, kanina pang madaling araw nang kanilang puntahan ang kani-kanilang mga presinto – voting precinct, hindi police station precinct – at bomoto na ng maaga, maiwasan lamang ang mga mahabang pila ng mga bomoboto.
Tiyak ngayong gabi pa lang, malalaman na natin ang mga mamumuno sa ating gobyerno local, at maging ang mga 12 Senador na ihahalal sa eleksyong pinagsabay ang local at nasyonal na mga kandidato. Kahapon ang huling araw ng kampanya na pang-45th day ng campaign period.
Yun ang pormal na schedule, gayong alam naman natin na higit pa sa isang taoang singkad ang naguguol para idaan sa suyuang taimtim ang pagkalap ng suporta sa sambayanan. Sa paglipas ng kinabukasan, muli na naman nating babalangkasin ang mismong kibabukasan ng
lungsod. Kung saan ang direksyon na lalandasin sa loob ng tatlong taon, ito ay depende sa mga maihahalal na mga punong abala sa kasalukuyan. Kung sa kabilang kanal, iyan ay dahil sa mga napiling mga bagong pinuno. Kung sa maaliwalas na landas, dahil iyan sa muling pagtitiwala na ibinigay sa mga piunong may mga katangiang hinahanap ng panahon.
Mahalaga ang pagpanday ng direksyong nanggaling sa mga naihalal. Nakasalalay sa kanilang mga kamay – sa isip na matalas, sa pusong wagas, at sa espiritung kanilang sinasandigan ng bagong pag-asang bubuhay sa lungsod. Sa marami sa ating mga bomoboto, tiyak namang atin ng napag-isipan ang mga karapat-dapat na maihalal – ang 12 napupusuan upang gampanan ang kanilang tungkulin bilang mga Senador at ang mga mamumuno sa ating kabayanan at kalunsuran. Ano nga ba ang mga pagbabasehan ng ating mga pagpipilian? Ito ang
katanungang dapat na paglimiin ng sapat upang maging wasto ang mga susuportahan bukas.
Kasama ba dyan ang mga personal na relasyon natin sa mga masugid na nakikisuyo ng ating boto? Nagkaroon ba ng lamat ang relasyong iyan sa panahon ng panunungkulan, anuman ang posisyon kanyang ginampanan? Sila ba ay naging matapat sa sinumpaang tungkulin ng
walang anumang bahid na dungis sa ngalang kanyang bitbit sa buong panahon na kanyang ginugul? Kakayahan. Karangalan. Karakter. At karanasang pangsarili na kainlanman ay nakaukit sa katauhan ng kandidatong maaaring napupusuan. Dala ba nila ang mga katangiang hindi kukupas anuman ang panahon, at higit pa kung masusubukan?
Nasa kanila ba ang mga katangiang ito upang manatili tayong nakakasiguro sa ating muling pagsubok sa pamamagitan ng pagboto at
pagsuporta sa kanila? Kung ang kasagutan sa mga tanong na ito ay isang malakas na “Oo, oo na”, ating ituloy ang pagsuporta sa kanilang mga pagsuyo. Ating wakasan ang pagpili at ang taimtim na pag-iisip, at ibigay an gating matamis na pagsang-ayon sa kanilang idinudulog.
Kung ang kasagutan ay isang humihiyaw na “hindi, kailanman ay hindi”, huwag ng mag-atubili, gaano man kalakas ng mga pagsuyong may kalakip na ayudang sa ating mga buwis – direkta at hindi man – ang pinanggalingan.
Ang salaping tinutumbasan ng iyong boto ay tahasang pagsuhol. Tanggapin iyan ng maluwag, dahil ito ay nag-uugat sa iyong pagbuwis ng dugo, luha at pawis. Pinaghirapan mo iyan at wala kang dapat na itanaw ng utang na loob, wala kang dapat na ipagpasalamat kaakibat ng
botong iyong ibinibigay bilang ganti sa kabutihang loob ng kandidatong hayagan ang pag-alipusta sa iyong pagkatao. Isang mainit na usapin ang pinangangambahang isyu ng dinastiya sa pulitika na hindi naiwasang maitanong sa mga magkakatunggali. Dapat bang
iisang angkan ang pagkatiwalaan upang balangkasin ang mga platapormang huhulna sa lungsod?
Makabubuti o makasasama ba ang dinastiyang hayagang ibinandera sa kauna-unahang pagkakataon upang ang dalawang pinakamahalagang tungkulin ay ambisyonang mapasakamay ng iisang pangalan, iisang angkan, mag-asawa pa mandin. Hindi maiwasang tanungin ang mag-asawang sabay na nag-kandidato sa dalawang pinakamataas na posisyon – ang pagiging Mayor at Congresswoman – at kapansin-pansin ang masigabong palakpakan nang ang tanong ay pumailanlang sa mga pagtitipon ng kampanya ditong mga nakaraang lingo. Hindi ba’t pagkamkam ng kontrol sa pulitika ang isinagawang pag-kandidato ng mag-asawa?
Hindi ba’t napagkaitan ang maraming iba pa na maaaring mayroon ding kakayahan, karakter at kahusayan na iharap ang mga sarili sa pagsusuri ng taong-bayan? Hindi ba’t kasakiman ang magnasang isailalim sa iisang angkan ang mga direksyong kinakailangan ng
lungsod upang mapabuti, maisaayos, at mahigtan pa ang mga nakamtang mga tagumpay ng lungsod? Sila na lamang ba ang may apat na K upang pangunahan ang patuloy na pagsulong ng Baguio sa isang kinabukasang higit na may aliwalas sa pagsasaayos ng lungsod? sang kamalayan ang humugis sa talakayan na hindi maitatatwa: Wala na bang iba? Kailangan bang iisang angkan ang bumandila sa mga interes ng sambayanan? Kung ang isa sa kanila ay nagkakasala sa panunungkulan, mayroon bang tinig sa kanyang asawa na ating kariringgan upang sawatain ang umiiral na kamalian?
Dinsstiya ng pulitika?
Walang sinopaman, wala ba pa? Kahit ano pa man ang kanilang kasagutan, hindi maipagkakaila ang linaw ng adhikain na sa iisang angkan lamang ang may karapatan, ang may kakayahan, ang may kinikilingang personal na adhikain: ang mailagay sa iisang ngalan ang
pagbalangkas sa kinabukasan ng isang lungsod, na kamkamin ang anumang biyaya – at marami ito, bugkos-bugkos, sako-sako – dahil sila lamang ang katangi-tanging hindi kailanman matatangihan ng madlang pipol. Ang sabi tuloy ng dyipni drayber na hilig ay mag-mamarites – kaswapangan ang nangyaring pagbalahura sa demorasyang ating tinatamasa sa pawis, luha at dugo n gating mga nagbuwis ng buhay upang ating maranasan ang maging mala at pantay-pantay sa mga oportunidad na laan sa bawat isa.
Dagdag pa niya: Ganid. Gahaman. Garapal.
Sa huling pagkakataon ngayong araw ng pagboto, isiping maige ang mga karapat-dapat, lalo at higit nating bigyang panahon ang ating
mga napipisil kapag layunin ng punuin ng tinta ang mga espasyong nasa balota. Ang mga walang maipamalas na resulta ng kanilang paninilbihan, huwag ng mag-atubili. Alam mo na ang gagawin. Ibasura ang kanilang mga ngalang binahiran ng kawalan ng tunay na
paglilingkod at ang hayagang pagyurak sa dangal ng sambayanan. Ang mga nanilbihan naman ng buong katapatan, malasakit, at pagmamahal sa lungsod – silang mga walang tigil ng pag-asikaso sa mga pangangailangan ng mamamayan, mga serbisyo publikong dapat na ikarangal at ipagmalaki – atin silang bigyang papuri at pagpapahalaga sa pamamagitan ng muling pagluklok sa mga posisyong sila lamang ang mayroong karapatan at wala ng iba pa. Ating isaisip ng buong katapatan, bilang pagtupad sa tungkuling maging bahagi ng pag-sasaayos , sa pagpapabuti, at sa pagpapaganda pa ng Baguio: ng ayuda ay galing sa ating mga buwis na binayaran – directly and indirectly – at kailanman ay hindi sa pagmamagandang loob ng mapanlinlang na tiwali sa paglilingkod. Wala ng iba pang kadahilanan.
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 3, 2025