Halik ni Digong, susmaryusep!

Santamariang malalaki at maliliit, helppp! Bagong kontrobersiya na naman ang bumulaga sa bansa at maaaring buong mundo! Swak na swak men! Ang alin? Ang ‘lips to lips’ na eksena nina Pangulong Digong at isang misis na Pinay (Bea Kim)! Hanooo? May pelikula na si Digong? Wala, pards. Eksena yan sa isang pagtitipon ng mga kababayan natin sa South Korea kung saan panauhing pandangal nila si Digong. Susmaryusep, talagang “lips to lips” mga kabalin! As in, tukaan sa harap ng madlang people! Anyari – umugong ang hiyawan sa tuwa at ligaya ng madlang audience. Ganern? Ibig sabihin, lalong naging bida ang Digong the kissing leading man? Yap! Nagustuhan naman nila. Susmariakusina impusipos! Sige, uriratin natin.

******

Ayon sa pagre-rewind sa mga pangyayari, ganito raw ang eksena: may librong dala ang pangulo at ibibigay niya ito sa sinumang may gusto pero ang kapalit ay isang “kiss”. He he, kung ayaw wala sanang umakyat sa stage. Pero may dalawang babae ang halos nag-unahan pang lumapit kay Digong. Ang isa ay humalik sa pisngi pero ang ikalawa ay biniro ni Digong na dapat ay sa lips. Nagpaunlak naman si Bea Kim, isang ina at nakapag-asawa ng isang Koreano at may dalawang anak. Simpleng smuck kiss lang ang nangyari. Hindi torrid kiss o dila sa dila ika nga ng mga mahilig. Walang ganyang nangyari. Alam naman ng marami na ang smuck kiss ay pang “stage show” lang.  Pero ano ang naging resulta? Grabeng banatan, pards at katakot-takot na talakan at pinagpiyestahan ang anggulong yun para masira ang Pangulong Digong.

******

Ganon kababaw ang eksena pero sandamukal ang mga sumakay. Siyempre, sabi ng team-Duterte: nakakita ulit sila ng bagay kung saan puwede nilang batikusin ang pangulo. Tsansa na naman nilang upakan ito at hiyain. E, kung yung mismong babaeng nakatukaan ni Digong ang nagsabing walang malisya ang nangyari, ang mga hindi kaeksena naman ang nanggagalaiting umupak kay Digong. Kesyo, halik daw ni hudas yun; kesyo di dapat ginawa kasi isa siyang Pangulo; kesyo mababaw na gimmick at pambabastos daw sa mga kababaihan, at marami pang kesyo at ketinggo-ketal! Haayy buhay nga naman. Sabi ng mga nakakaunawa: kung ang paghalik sana ay ginawa ni Digong sa isang tagong lugar at talagang laplapan na, yun ang may malisya. Pero naganap ang tukaan sa harap ng publiko at kisap-mata lang. Kaya tuloy, sabi ng pangulo na “inggit lang” ang mga nambabatikos sa kanya. Balandra nga ni Duterte: “During the campaign days, I kissed every woman there. Lips to lips. Style ko yan, eh, maghanap kayo ng ibang style ninyo. There is nothing wrong with a simple kiss!”

******

Heto pa ang sumulpot na kontrobersiya. Dahil sa naturang eksena ng kissing, nagkaroon tuloy ng hidwaan sina Kris Aquino at Mocha Uson.  Anong nangyari?  Nag-post pala si Uson  sa kanyang FB bilang pagtatanggol kay Digong at napahapyawan niya na kahit daw ang tatay ni Kris (Sen. Ninoy Aquino) ay nanghalik din sa loob ng eroplano bago naganap ang Tarmac tragedy. Yun ang dahilan kung bakit bumunghalit ang kulog at kidlat ni Kris. Kasunod dito ang paghingi ng paumanhin ng mga matataas na opisyal ng gobyerno gaya ni Bong Go. He he, palagay ko aabot sa 2019 campaign time ang naturang kissing scene na ire. Tiyak hindi titigil ang mga kontra-Duterte upang masira ang kanyang brigada ngayon hanggang sa eleksiyon. Haayy naku, tigil na mga kabayan. Magkaisa, magmahalan, maghalikan, este, magrespetuhan na lang tayo. Adios mi amor, ciao, mabalos!

Amianan Balita Ngayon