Magta-tatlong dekada nang daing ng mahigit kumulang na 32,000 pamilyang nais ng maayos na serbisyo ng Occidental Mindoro Electric Cooperative (Omeco).
Ngunit nananatiling bansag sa Occidental Mindoro’s “brownout capital of the Philippines” dahil sa 27 megawatt na pangangailangan ng buong probinsya’y, 24MW lamang ang naipapaluwal ng tinaguriang “inutil” na Omeco. Mayroong panukalang dagdagan upang maabot ang 27MW, ngunit nananatiling plinaplantsa pa.
Hanggang kailan mananatili sa dilim ang Occidental Mindoro? Buti kung magiging katotohanan ang pahayag ni Rep. Josephine Ramirez Sato na sa mga susunod ma buwan ay matutupad na ang matagal nang karaingan ng mamamayang magandang serbisyo ng elektrisidad.
Hindi masisising magkibit-balikat na naman ang mga consumer lalo na ang mga negosyanteng umasa ng matagal dahil “nangangako na naman ang mga pulitiko ng buwan” lalo’t papalapit na ang 2022 na tila magpapahalal si 3- term at graduating Congresswoman Sato sa pagkagobernador ng Occ Mindoro.
Habang may pangako si Cong “Nene”, tila nakakabingi naman ang katahimikan ng mga opisyales ng probinsya.
Naghihintay lang ba ng kumpas ang mga ito mula kay Sato? O sadyang walang paki-alam sa pagdurusa ng kanilang mga kababayan?
Tandaan, ang pagwawalang bahala sa mga hinaing o suliranin ng mga mamamayan ay nangangahulugan din ng direktang paglabag sa karapatan nilang mabuhay. Yan ang sinumpaan ng bawat lingkodbayan!
September 19, 2021
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024