‘Hangin ng Baguio nagiging Mapanganib Na’

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang polusyon sa Baguio ay pumapatay ng libo-libo at ang bilang ng mga namamatay ay tumataas mula noong 2015.
Ang nakakagulat na rebelasyon ni Baguio City planning officer Antoinette Aniban sa top level meeting noong nakaraang Biyernes sa rehabilitasyon ng Baguio ay sinabi ng nasa average 2,136 ang namatay dahil sa mga sakit na nauugnay sa polusyon.
Hindi gaya ng nakalipas ay inamin ng mga opisyal ng lungsod kabilang si Baguio City mayor Benjamin Magalong na ang kalidad ng hangin sa lungsod ay masama.
Sinabi ni Magalong na ang hangin sa summer capital ay totoong isa sa pinakamasama sa bansa, na nagbunsod sa kaniyang administrasyon na ayon sa kaniya ay gagawa ng mga matatapang na hakbang upang maayos ito.
Ang mga kamatayan ay sanhi ng mga sakit na nauugnay sa polusyon ay patuloy na tumataas sa lungsod mula 2015 ayon sa ulat ni Aniban sa harap ng mga lokal at national government officials.
Noong 2015 ay may 2,181 pagkamatay na sinundan ng 2,129 noong 2016. Noong 2017 ay may 2,267 pagkamatay at ito ay tumaas noong 2018 na may 2,338. Subalit noong 2019 ay may 1,767 na pagkamatay na nagpakit ng pagbaba sa loob ng limang taon na pagmo-monitor.
Ngunit ang pagbubunyag ay ikinataas mga kilay ng ilan, lalo na sa tourism service sector sa lungsod. “How did they arrive at such figures?” ani Hotels and Restaurants Association of Baguio chief Anthony de Leon, na may pangangamba sa kaniyang boses.
Aniban said asthma, influenza like illness, bronchitis, dengue fever, hypertension, acute gastroenteritis, systemic viral infection, dog bite, pneumonia at URTI ay mga sakit na iniuugnay sa mga pagkamatay na dulot ng polusyon.
Kahit ang basa ng Environmental Management Bureau na PM10 sa kalidad ng hangin sa Baguio ay ikinokonsiderang pumasa, sa tingin ng international standards ito ay bagsak, ayon kay Magalong.
Itinutulak ng kasalukuyang administrasyon ang isang ‘low carbon transport system’ dahil sa nakakaalarmang istatistiko ng polusyon sa hangin dahil nagiging isang problema ito sa kalusugan. ”I did not hesitate na banggitin yan, I expected this, malaki problem natin sa carbon emission, there is no point in denying it,” ani ng mayor.
Ang mga programang gaya ng modernisasyon ng public transport ay isa ring paraan upang matugunan ang isyu sa kalidad ng hangin, dagdag ni Magalong.
Sa ngayon ay mayroon ng 603,243 sasakyan sa lungsod, nasa 22,870 sa mga ito ay motorsiklo. Isang ulat ng World Health Organization noong 2014 ang naglagay sa lungsod ng Baguio bilang “isa sa mga lungsod na may pinakamaduming hangin sa bansa”.
May bahagyang pagbabago sa kalidad ng hangin sa lungsod ang binanggit noong 3017 ng Environmental Management Bureau ng DENR.
Subalit sa isang 2018 ulat ng WHO, muling nailista ang lungsod na isa saw along lungsod kabilang ang Cebu, Dagupan, Davao, Manila, San Carlos, Urdaneta at Zamboanga na may pinakamaduming hangin.
 
AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon