HAPPY BIRTHDAY BAGUIO!

Habang bumabayo na ang mga bagyo sa dulong bahagi ng bansa…ngilin, pasasalamat at selebrasyon naman ang eksena sa Baguio City sa pagsapit ng ika-113 na aniberesaryo nito . At para sa kapakanan ng ating mga kababayan lalo na sa dulong Luzon….habang sinusulat ang espasyong ito ng Daplis…nakapasok na sa ating bansa ang bagong bagyo (Supertyphoon- Henry) at tumbok ang dulong bahagi ng Pilipinas lalo na ang Batanes Island.

Nagsimula na itong humagupit sa ilang bahagi ng Japan. Sa lakas ng bagyong ito, sinasabi ng mga ulat na ang
pinakamalakas na bagyo sa mundo sa taong ito – (lagpas 200kph ang centerwinds). Tudo handa ang ating mga
maaring maapektuhang kababayan sa Luzon. Itinatali ang mga bubong ng kanilang mga bahay, inaani na rin ang
mga puwede ng maaning pananim at mga kahandaan laban kina bagyong Gardo at Henry.

Dalangin natin na sana’y di gaanong mapinsala ang ating bansa ang mga bagyong ito. Alam ba ninyo na bago pa
nakapasok sa ating bansa ang dalawang bagyong ito…ay nanalasa na sa atin ang mga matitinding bagyo ng kontrobersiya? Una, bumanat ang isyu sa asukal na diumano ay sinasabing naubos na pero nabuking na marami pala ito sa mga bodega. Sumunod na pumutok ang kakulangan daw ng asin na nabulgar pa na umaangkat pala
tayo nito ng higit 90%. Sumabay din ang isyu ng puting sibuyas na nangawala na sa merkado.

Sumunod pang sumipa ang ulat na pati bawang ay kinakapos na rin isama na ang kamote. Sus ginoo, ano ba ireng mga bagyong kontrobersiyang ito? Marami na talagang nangangawala sa ating bansa, sabi ng mga analysts. Pati nga
tao (35 na sabungero) hanggang ngayon, di pa sila matagpuan. Imposible namang may kinalaman sila sa mga nawawalang sibuyas na puti at siling labuyong nagmahal.

Sabat ng iba…bakit kaya ngayon lang nangyayari ito? Simpleng sagot: nariyan na kasi si Pres. Bongbong Marcos. Nakalkal na nila ang mga problemang ito na matagal ng nangyayari sa nakalipas na mga rehime. Kaya tudo-kilos na ang administrasyong Marcos upang maresolba ang mga problemang ito. Tulung-tulong sa kaunlaran, mg ka-Amianan. Tanong: bakit daw tayo dinadagsa pa ng mga imported eh, sobra-sobra nga ang ating ani? Gaya na lamang sa pulang sibuyas, carrots, pati nga galunggong at mga frozen products.

Marami at sagana naman tayo ng mga ito, eh bakit may mga dumarating pa na galing sa ibang bansa? Yan ang
inaalam ng gobyerno kung bakit at maparusahan ang mga smugglers. Isang praktikal na problema ng mga vegetable
farmers: papano nila maibebenta ang kanilang mga ani kung may mga dumarating na mga imported na gulay?
Napaulat nga kamakailan na may mga nabubulok ng mga kamatis at carrots na sarili nating ani dahil sa dami ng mga gulay na illegal (kuno) na nakapasok sa ating bansa.

Tapos hahanapin natin kung nasasaan na ang mga magsasaka? Natural yong iba, nangibang negosyo na sila dahil
talung-talo sila sa pagsasaka. Grabe ang taas-presyo ng mga gamit sa bukid gaya ng abuno, semilya, insektisedyo, upa sa mga magtratrabaho at mga kauring problema. Kung hindi masolusyonan ang mga kontrobersiyang ito…sabi nga nila…papano raw magiging katotohanan ang sinasabing beinte pesos kada kilo ng bigas? At ito pa ang masaklap: sa ganitong situwasyong pangagrikultura eh, hahagupitin pa at sasabayan ng mga problema sa kalamidad, mga sakit na dengue, leptospirosis at Covid19. Kapit lang at wag bibitaw.  Magkakaisa sa kaisipan, damdamin, at gawa na lumaban sa mga pagsubok na darating. Malalagpasan din natin ang mga ito. TIWALA AT pagtutulungan. Adios mi amor, ciao, mabalos

Amianan Balita Ngayon