LUNGSOD NG BAGUIO – Isang experimental traffic scheme sa Harrison Road ang ipatutupad na mag-uumpisa sa Abril 22 mula ala-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.
Sinabi ni Mayor Mauricio Domogan sa kaniyang Administrative Order No. 44 na nakita nilang may merito ang experimental traffic scheme na panukala ng mga civil engineering student ng St. Louis University at inindorso ni SLU Professor Mark De Guzman na miyembro ng Traffic and Transportation Management Committee (TTMC) sa pamumuno ni Domogan.
“Upon consideration and finding merits of the proposed experimental scheme by the Civil Engineering students of St. Louis University and to improve the traffic flow along Harrison Road, the request is hereby approved,” ani mayor.
Ipinagbabawal sa experimental scheme ang pagpaparada sa outermost lane sa kahabaan ng daan partikular mula sa kanto ng Tiongsan Harrison (Perfecto St. – Harrison Rd.) papunta sa kanto
ng Baguio Patriotic High School (Calderon St./66th Infantry Loop-Harrison Rd.).
Ang kahabaan ng daan mula kanto ng Tionsan Harrison (Perfecto St.- Harrison Road) papunta sa kanto ng Lower Mabini St.-Harrison Road ay magsisilbi na pick-up at dropoff point sa outermost lane sa kahabaan ng Harrison road lamang.
Ang nakatakdang loading at unloading zone sa kahabaan ng outermost lane sa Harrison Road ay mula kanto ng BPI Baguio, Burnham Branch (Lower Mabini St. – Harrison Rd.) papunta sa kanto ng T. Claudio St. – Harrison Rd.; at mula kanto ng T. Claudio St. – Harrison Rd. papunta sa kanto ng Baguio Patriotic High School Calderon St./66th Infantry Loop-Harrison Rd.).
Hindi papayagan ang pagpaparada sa mga pedestrian crossing at intersection sa mga daan.
Inatasan ng mayor ang City Engineering Office Traffic and Transportation Management Division at ang SLU School of Engineering and Architecture Department of Engineering na maghanda at maglagay ng kaukulang traffic signage para gabayan ang publiko.
Ipatutupad ng Traffic Enforcement Unit ng Baguio City Police Office ang nasabing kautusan. Para sa maayos na implementasyon ay pinayagan ni Domogan ang minor traffic adjustment para sa experimental scheme na maaaring madetermina ng mga magpapatupad na awtoridad.
PIO-APR/PMCJr/ABN
April 21, 2019
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025