HIDEOUT NG CTG’S NAPASOK NG SUNDALO, WAR MATERIALS NASAMSAM

CAMP DANGWA, Benguet – Isang hideout ng Communist Terrorist Group (CTG) ang nadiskubre kasabay sa pagkakarevover ng mga war materials matapos makaenkuwentro ng tauhan ng Alpha Company ng 54th Infantry Battalion ng Philippne Army kaninang umaga, Mayo 23 sa bayan ng Asipulo, Ifugao.
Ayon kay Capt. Marne Abellanida, deputy information officer ng Police Regional Office-Cordillera, base sa report na pinadala sa kanila ng PA, dakong alas 9;20 ng umaga ay nagsasagawa ng Focused Military Operation (FMO) ang mga sundalo sa pamumuno ni 2nd Lt. Joseph Johnster Santander sa may Sitio Likew, Brgy Namal, Asipulo, Ifugao ay nakasagupa umano nila ang di-pa mabilang na CTG’s na pinaniniwalaang nag-ooperate sa mga tri-boundaries ng Abra,Mt.Province at Ilocos Sur.
Ayon kay Abellanida, nagsagawa ng follow-up coordination ang mga tauhan ng Asipulo Municipal Police Station sa mga sundalo at habang isinasagawa ang pagtugis sa mga tumakas na rebelde ay nadiskubre nila ang inabandonang war materials at kagamitan sa pinangyarihan ng enkuwentro.
Narekober ng mga sundalo ang apat na pirasong Anti-Personnel Mines (APM) with 40-meter wire, 20 pirasong blasting caps; isang jungle pack; medical kit, isang cellphone at mga subversive documents.
Walang naiulat na nasugatan sa mga sundalo, habang ang mga tauhan ng 1st Company ng Provincial at Regional Mobile Force Battalion ay agad nagsagawa ng checkpoint sa posibleng daanan ng mga rebelde.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon