Ipinamahagi ng Cordillera offices ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 1,962 Pantawid Pasada Fuel Cards sa mga operators ng public utility jeepneys (PUJs) sa rehiyon.
Ang nasabing fuel cards, ayon kay LTFRB hearing officer Jessie Balagot, ay ipinamahagi noong Setyembre 22 at 23, 2018.
Aniya ito ay inisyal na pamamahagi pa lamang ng 4,920 fuel cards na inilaan sa buong rehiyon.
Ang bawat card ay naglalaman ng P5,000 halaga ng government subsidy para sa fuel purchases ng mga PUJ operators ng 2018.
Ang kasunod na batch ng pamamahagi, ayon kay Balagot, ay hindi pa napagpasyahan, dahil ang mga cards ay ipinamamahagi ng state-run Land Bank of the Philippines.
Upang masiguro na ang mga card ay mapupunta sa kwalipikadong benepisyaryo, ang Pantawid Pasada Fuel Card ay naglalaman ng mga tiyak na impormasyon tulad ng buong pangalan ng franchise holder, plate number ng jeep, rehiyon kung saan nakarehistro ang franchise, at ang card number.
May bisa ang Pantawid Pasada Fuel Card upang makabili ng gasolina sa mga participating petroleum retail outlets o gasoline stations lamang, na may karatulang nakapaskil na ‘Pantawid Pasada Card Accepted Here’, ani Balagot.
Ang mga outlets ay ang Caltex, Petron, Pheonix, Shell, Total at UniOil.
“Any violation in the use of the card (purchase of other products aside from fuel) will automatically disqualify the card owner from the Pantawid Pasada Fuel Program and its benefits,” babala ni Balagot. P.M. GEMINIANO, PNA / ABN
October 1, 2018
October 1, 2018
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025