Higit isang araw na pagsasara sa daan sa Burnham Park, bawal na

Pinirmahan ni Mayor Mauricio Domogan ang isang resolusyon ng konseho ng lungsod na nagbabawal sa pagsasara ng Lake Drive o iba pang interior roads sa loob ng Burnham Park para sa trade fairs, circus, one-stop shop product shows, agricultural o merchandise dislays, exhibits o mga aktibidad na isinasagawa o inisponsoran ng city government o pribadong grupo na kinakailangang isara ang mga kalye nang mahigit isang araw.
“It was observed that every time Burnham Lake Drive is closed, relentless traffic jam occurs within the Central Business District (CBD) causing inconvenience and lost opportunities to the public. This usually happens during the conduct of commercial trade fairs or other activities that last for a month or more,” nakasaad sa resolusyon.
Sinasabi sa Resolution No. 400, series of 2018 na “the inconvenience and traffic woes are exacerbated by the closure of Session and Harrison Roads for the night market, thereby constricting major thoroughfares within and outside the CBD”.
Hiniling din ng committee on public utilities, transportation and traffic legislation ng konseho sa Baguio City Police Office (BCPO), City Engineer’s Office’s (CEO) traffic and transportation division, at sa United Metro Baguio-Benguet Jeepney Operators’ and Drivers’ Federation ang kanilang mga komento, rekomendasyon o impact assessment sa pagsasara ng Burnham Lake Drive na kalimitan sa selebrasyon ng Panagbenga.
Suhestiyon ng BCPO na humanap ang committee ng ibang mga lugar na mas feasible na hindi posibleng magamit ang mga pangunahing daan para maiwasan ang pagsikip ng trapiko at pagkakaroon ng bottleneck areas.
Inirekomenda naman ng CEO na ang landscaping at trade fair ng Panagbenga ay mailagay sa labas ng Burnham Park area para maiwasan ang pagsasara ng Lake Drive.
Samantala ay naobserbahan naman ng pederasyon ng tranportasyon na ang pagsasara sa Lake Drive ay may malaking epekto sa mga kalapit na daan gaya ng Harrison Road gayundin sa Bayanihan area at iba pang lugar.
GKeith, PIO

Amianan Balita Ngayon