CAMP DANGWA, LA TRINIDAD, Benguet (May23)
Umabot sa PhP603,822.00 na halaga ng marijuana ang nakumpiska at isang drug personality ang naaresto sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations na isinagawa ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) sa Benguet at Abra noong ika-19 ng Mayo, 2025. Sa Benguet, isang plantasyon ng marijuana na natamnan ng 3,000 fully grown marijuana plants na may Standard Drug
Price (SDP) na PhP600,000.00 and nadiskubre sa marijuana eradication operation na isinagawa ng magkasanib na pwersa ng Bakun Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Unit (PIU) at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Benguet Police Provincial Office (PPO), Regional Intelligence Division (RID) ng PRO CAR, Regional Intelligence Unit (RIU)- 14, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-CAR sa Sitio Lambi, Brgy. Kayapa, Bakun.
Lahat ng nadiskubreng tanim na marijuana ay binunot at sinunog ng mga operatiba matapos ang kaukulang dokumentasyon habang
patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang plantasyon ng marijuana sa mga kalapit na lugar at mahuli ang mga responsable sa pagtatanim nito. Samantala, sa Abra ay isang 30-anyos na lalaki na natukoy bilang newly identified Street Level Individual ang naaresto sa buy-bust operation na isinagawa sa Brgy. Cabuloan, Bangued. Nahuli ang suspek matapos siyang magbenta ang isang sachet ng dried marijuana leaves at fruiting tops na may bigat na 7.36 grams at SDP na PhP883.20 sa isang operatiba na gumanap bilang poseur-buyer. Bukod dito, habang siya ay inaaresto ay narekober din ang apat na sachet ng dried marijuana leaves at fruiting
tops na may bigat na 24.49 grams at SDP na PhP2,938.80 mula sa kanya.
Ang operasyon ay naging matagumpay sa pagtutulungan ng mga operatiba mula sa PDEU at PIU ng Abra PPO, Bangued MPS, Bucay MPS, Peñarrubia MPS, 1st at 2nd Abra Provincial Mobile Force Companies, Regional Mobile Force Battalion 15, RID PRO CAR, Special Operations Unit-CAR, RIU-14, at PDEA-CAR. Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensiya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEU ng Abra PPO para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon. Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(RPIO PRO CAR)