Hiling sa new truck ban exemption, susuriin sa konseho

Jun 24, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Inaasahan ang pagpasa ng rekomendasyon Committee on Public Utility, Transportation and Traffic Legislation ng konseho ng lungsod upang tugunan ang hiling sa pagkakaroon ng provisional exemption sa truck ban ng Baguio matapos ang isinagawang public hearing.
Pinangungunahan ni city Councilor Benny O. Bomogao na chairman ng naturang komite, ang rekomendasyon ay agad ipapasa upang mapag-usapan ng konseho sa regular na session nito sa Hulyo 3.
Ang City Ordinance No.05, series of 2017, o new truck ban ordinance, ay nakatanggap ng pagtuligsa mula sa mga truckers sa Benguet, lalo na ang mga nagdadala ng gulay at mga bulaklak, na naapektuhan ang pagbibiyahe ng kanilang mga produkto.
Kabilang sa hiling ng mga ito na baguhin ang exemption sa truck ban at oras na pwedeng magbiyahe kasali na rito ang bagong ruta na pwede nilang daanan.
Ayon kay Bomogao, dahil sa lumolobong populasyon ng Baguio ay dumarami rin ang mga sasakyan at sumisikip ang kalsada lalo na kung may mga truck na kasabay sa rush hours na nagdudulot ng mabigat na trapik.
Kabilang sa exemption ang water delivery, fire trucks, rehistradong truck ng gobyerno, heavy equipment vehicles, trailers na di aabot sa 4,500 kilograms. Ang oras ng truck ban ay mula 6am hanggang 9am at 4pm hanggang 9pm.
Ngunit hiling ng ibang sektor na iklian ang ban at gawin itong 6am hanggang 8am at 6pm hanggang 8pm lamang.
Iminungkahi ni Bomogao ang bagong ruta ng mga truck mula sa Palispis-Aspiras Highway na dating Marcos Highway- Junction sa Suello Village at Kennon Road- Junction sa Montecillo Road Camp 7 at Loakan Road-Junction ng Camp John Hay gate 2 Ordunio Drive at Leonard Wood Road, Pacdal Circle katabi ng BCPO Station 3, City Limit Bell Church km 3, Ninoy Aquino Highway (Halsema) at Quirino Highway dating Naguilan Road- Junction of San Carlos, Irisan Baguio City.
Hiling naman ng mga vegetable driver at cutflowers truck drivers ang full exemption para hindi masira ang mga produkto nila lalo na kapag kasagsagan ng masamang panahon.
Pag-uusapan pa ng konseho ng Baguio ang naging pahayag at kahilingan ng iba’t ibang sektor kasali na ang halaga ng multa bago aprubahan ang mga ito. Aubrey Balindan, UC Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest