Hindi bakunadong mga menor de edad sinabihang manatili sa bahay

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang tumataas na bilang ng mga kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga menor de edad sa lungsod ay nag-udyok kay Mayor Benjamin Magalong na mag-isyu ng isang kautusan na manatili sa bahay ang lahat ng hindi bakunadong menor de edad (edad 17 at pababa) mula Enero 21 hanggang 31, o habang ang lungsod ay nasa ilalim ng Alert Level 3 status.
Binago ng Executive Order No. 12, series of 2022 ni Magalong ang Executive Order No. 5, series of 2022 sa mobility restrictions for unvaccinated individuals.
Nakabase ang direktiba ng mayor sa ulat ng City Health Services Office na mahigit limang porsiyento ng mga aktibong kaso ng COVID-19 noong Lunes, Enero 17 ay mga kabataan na ang edad ay mas mababa sa 12.
Binibigyan-ddin ng datos na ang mga menor de edad ay nasa at-risk population, lalo pa at ang bakuna para grupi ng eded na ito ay wala pa sa
ngayon, nakasaad sa kautusan ni Magalong.
Ipinakita ng datos ng CHSO hanggang Enero 19 na 472 sa 3,926 aktibong mga kaso ng COVID-10 ay mga menor de edad kung saan 190 o 4 porsiyento ay edad 12 hanggang 17 habang 282 o 5.4 porsiyento ay kasama sa 0 hanggang 11 taong gulang na grupo.
Gayunman, ang mga hindi bakunado na menor de edad ay pinapayagan na lumabas ng bahay para sa hindi maiiwasang transaksiyon na kinakailangan ng pisikal na presendiya, o para sa mga medikal na rason.
Pinahihintulutan din ang mga menor de edad na dumalo sa recreational/wellness activities sa outdoor spaces (parks, gardens, hiking and biking trails, outdoor noncontact sports courts and venues, and al fresco seating in dine-in establishments).
“The is a proactive response to protect the vulnerable age group due to the high positivity rate
and number of average cases per day in Baguio City,” sinasabi sa utos ng mayor.
(JS-PIO Baguio/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon