Hydroelectric plant para sa Luzon itatayo sa 2 bayan ng Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Ang kapitolyong bayan ng Benguet at bayan ng Sablan ay magkasamang host ng isang 20-megawatt hydroelectric power plant na inaasahang mag-ooperate 20 buwan kasunod ng konstruksiyon nito sa Marso.
Ang weir (low head dam) ay itatayo sa La Trinidad habang ang power plant ay itatayo sa Sablan. Sinabi ni Cris Faelnar, senior vice president ng Aboitiz Power-Hedcor Inc. noong nakaraang Lunes na ang hydroelectric plant na tinawag na Sablan 1 ay aabutin ng 20 buwan upang maipatayo at inaasahang magbibigay ng average 61 million kilowatthours kada taon sa Luzon grid.
Itataas nito ang electric generation portfolio ng Aboitiz-Hedcor mula La Trinidad sa 43MW. Sa ngayon ang Aboitiza ay mayroong 23MW power capacity – 19MW mula sa pinagsamang Binengplants –La Trinidad 1 at 4.5MW sa Bineng3.
May iba pang planta ang Hedcor na nasa mga bayan ng Itogon, Tuba, Bakun at Sablan sa probinsiya ng Benguet; Sabangan sa Mountain Province; at Amilongan sa Ilocos Sur.
Sinabi ni Faelnar na sa oras na mag-umpisa, nakapangako ang Aboitiz-Hedcor na bibigyan ang Sablan at La Trinidad ng PhP1 bawat kilowatt-hour na kuryenteng nagawa bilang bahagi o tinatayang PhP610,000 sa isang taon na karagdagang kita ng bawat isa ng dalawang bayan.
Ang Hedcor ang pinakamalaking taxpayer ng La Trinidad. Sinabi niya na ang benepisyong ito ay iba pa sa minamandato ng gobyerno na real property tax at business tax, iba pang permit na kailangang makuha at benepisaryo sa kanilang corporate social responsibility.
Mabibigyan ding prayoridad ang mga lokal na trabahador sa panahon ng konstruksiyon at operasyon. Sinabi ni La Trinidad Mayor Romeo Salda na nanguna sa paglagd ng memorandum of agreement (MOA) na ang hydroelectric plant ay ang pinakamalaking proyekto sa munisipalidad para sa taong ito.
Sinabi niya na ang proyekto ay posibleng magbibigay ng karagdagan at mas malaking kita para sa bayan. “Their presence is essential to the municipality in ensuring development and progress of the town,” aniya.
Nakatakdang lumagda ang Aboitiz Power sa MOA sa pamahalaang probinsiya at mga opisyal ng Sablan noong Enero 9. Sumang-ayon ang mga indigenous peoples’ organizations ng dalawang bayan sa proyekto sa pamamagitan ng proseso ng Free, Prior and Informed Consent na inaprubahan bago matapos ang 2019.
 
LA-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon