BAGUIO CITY
Nabuwag ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera kasama ang PDEA Region 1 ang ika-walong drug den na nadiskubre sa Purok 3, Fairview, Baguio City, noong Agosto 31. Ito ang ika-walong drug den na nabuwag ng PDEA mula Enero ng taong 2023. Sa bisa ng Search Warrant na inisyu ni Acting Executive Judge Michael V. Francisco, ay nagresulta sa pagkakaaresto sa
dalawang indibidwal at pagkakasamsam ng apat na sachet ng shabu, na tumitimbang ng higit o kulang 10 gramo na may tinatayang halagang P68,000.00.
Kinilala ni PDEA Regional Director Julius Paderes ang mga suspek na sina Lorraine Kristel Roldan Amurao at ang live-in partner nitong si Mark Edrick Belvis Rafer, gayunpaman, nakaiwas ang huli sa pagkakaaresto sa serbisyo ng warrant si Arnel Celestino Brillo, isang bisita at kostumer ng
illegal drug activities ng mga subject person. Bukod dito, nakumpiska sa drug raid ang iba’t ibang
paraphernalia na may bakas ng shabu. Ang dalawang suspek ay positibo sa paggamit ng shabu.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
TFP/ABN
September 1, 2023
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 19, 2025