“ILLEGAL CANNABIS AGRICULTURE, UMAANGKOP NA RIN SA BAGONG TEKNOLOHIYA”

Napagtanto ng National Bureau of Investigation-Cordillera (NBI-CAR) na umaangkop na rin sa mga makabagong teknolohiya ang illegal na agrikulturang cannabis o marijuana. Nadiskubre ng mga operatiba ng pinagsanib na NBI-Cordillera at NBI-Alaminos District Office sa isinagawang raid sa sitio Asob-Lanikew, barangay Tacadang, Kibungan,
Benguet, na pinangunahan mismo nina Regional Director, Atty. Diosdado Araos at Asst. Regional Director, Atty. Darwin Lising, hindi na malalawak na lugar ang mga taniman ng marijuana, kundi maliliit at hiwahiwalay na mga bahagi ng lupa.

Ayon sa Team Leader at Agent-on-case ng naturang NBI operasyon, Special Investigator III Andrew Bacayan, mas mahirap makita sa pamamagitan ng drone na pinalipad ang mga pulo-pulong naikukubli ng mga karaniwang halaman sa lugar, kumpara sa malawakang taniman ng marijuana. Napag-aralan na rin ng mga kawatang protector at illegal na nagtatanim ng marijuana ang makabagong syensyang ginagamit ng mga otoridad upang mapabilis ang
pagtukoy sa mga plantasyon.

Ayon pa kay SI Bacayan, nag-umpisa na rin ang mga iligal na nagtatanim ng marijuana na mag-eksperimentong gumamit ng mga paso o plastic ornamental plant pots para pagtamnan, samantalang may malalawak na lupain naman. Marahil plano na ng sindikato sa pamumuno ng protector at mga tauhan na gawing “mobile agriculture” o
makilos na pagtatanim ng marijuana, upang mas mabilis mailipat-lipat ang mga tanim kung sakaling may paparating na magmamanman o raid ng otoridad.

Nadiskubre rin ng NBI-CAR ang paggamit ng mga nagtatanim ng nakakubling water impounding techniques at improvised water collecting facilities para sa tubig-pandilig at paggamit na abono at pestisidyo upang mapalago at
mapabilis ang paglaki para agad maani ang marijuana at maiwasang magkapeste ang mga tanim. Ibig sabihin nito’y, hindi na purong organic kung tawagin ang marijuana galing sa Tacadang kase ginagamitan na ito ng inorganic fertilizers at pestisidyo.

Sa pagkadiskubre ng relatibong makabago sa istilo ng pagtatanim ng marijuana na sinabayan pa ng teknolohiya at
pag-iwas mismo sa makabagong pamamaraan ng pagtuklas sa mga plantasyon gaya ng drone, dulot nito’y
panibagong aral at giya sa pamahalaan sa kampanya kontra sa iligal na pagtatanim ng marijuana. Alam na this, ika nga ni Atty. Araos at Atty. Lising ng NBI, na nangangakong paigtingin pa ang kampanya kontra sa mga iligalidad sa
lipunan!

BUDGET WOES

STL

Amianan Balita Ngayon