Illegal mining activities, pinahihinto sa Cordillera

LA TRINIDAD, BENGUET – Iniutos ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu ang pagsuspinde o pagpapatigil noong Setyembre 17, 2018 ang small scale mining activity sa buong Cordillera, lalong-lalo na sa Itogon, Benguet na may pinakamaraming bilang ng nasawi sa landslide noong panahon ng pagragasa ni typhoon Ompong.
Ang utos ay pormal na sinabi Cimatu sa naganap na media briefing na pinangunahan ni Presidental Spokesman Harry Roque, kasama ang mga local officials at mga line agencies sa Benguet Capitol.
“We have to stop this illegal mining activities at noon pa ay nagbigay na ako ng order sa mga ganitong activities, pero walang nangyari. Huwag na natin hayaang maulit ito, kaya dapat na mahinto ito,” pahayag ni Cimatu.
Maging ang sampung asosasyon na binigyan ng temporary mining contract hg MGB-Cordillera ay ni-revoke agad ni Cimatu.
Tinatayang may kabuuang 10,000 small scale miners sa Cordillera.
Ayon naman kay Itogon Mayor Victorino Palangdan, tinatayang mahigit sa 70 katao, na karamihan ay small scale miners ang illegal na nakatira sa abandonadong minahan na pag-aari ng Benguet Corporation.
“Matagal na naming sinabihan na lisanin ang lugar, na bukod sa unsanitary ay may namamatay sa sakit at idineklarang dangerous ang mga bunkhouse na kanilang tinitirhan, pero binalewala kami at bago pa man dumating ang bagyo ay nagbigay na kami ng babala sa kanila,” wika ni Palangdan.
Umapela si Palandangdan kay Cimatu na ideklarang alienable and disposable na ang dating minahan, upang hindi na ito matirhan ng mga minero, na ang karamihan ay taga-ibang lalawigan.
Aniya, maraming kabundukan na pinagmiminahan ang stable ang lugar, kaya humiling si Palangdan na magsagawa ng technical conference sa mga minero, bago ipatupad ang pagpapahinto.
Iginiit ni Cimatu na mula sa araw na iyon, ang kanyang utos na stoppage of all illegal mining activities sa Cordillera. “I consider the appeal of local government, but as of now stop muna at lisanin ang lugar na may prone to landslides base sa geo-hazard map na ibinigay namin,” dugtong pa ni Cimatu. ZALDY COMANDA/ABN

Amianan Balita Ngayon