LUNGSOD NG LAOAG
Pinag-bayo ng probinsiya ng Ilocos Norte ang mga pamamaraan para maiwasan ang pag-ulit ng mga sunog sa kagubatan ngayong panahon ng tagtuyot. Sinabi ni Marcell Tabije, provincial disaster risk reduction and management officer, sa isang panayam ng media noong Miyerkoles(Pebrero 28) na ang mga awtoridad mula sa
Philippine National Police (PNP) at Philippine Marines ay nagsimulang magpatrolya sa mga lugar na may dati nang
mga insidente ng forest fires sa mga bulubunduking lugar ng Solsona, Piddig, Carasi gayundin sa mga lungsod ng Batac at Laoag.
“Unang hakbang natin ito upang maiwasan ang mas marami pang kaso ng mga sunog sa kagubatan sa probinsiya na laganap ngayong panahon ng tag-init,” aniya. Sinabi ni Tabije na ang mga asset ng Philippine Air Force (PAF) ay naatasan din para maging “helibuckets” (helicopter na balde) upang tumulong apulahin ang sunog sa kagubatan.
Bandang 6:55 ng hapon noong Pebrero 24, isang forest fire ang tumama sa isang bahagi ng bulubundukin sa kahabaan ng Solsona-Apayao road sa probinsiya ng Ilocos Norte.
Iitnaas ng mga awtoridad ang alarma sa level 3, na nagudyok sa mga bombero ng mga kalapit bayan na tumulong
apulahin ang sunog. Kumalat ang apoy sa nasa 10 ektarya ng mabundok na bahagi malapit sa Solsona view deck na palaging binibisita ng mga motorista at turista tuwing mga katapusan ng linggo. Mula Pebrero hanggang Marso 2023, nakapagtala ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng 23 forest at grass fires na nanira sa lungsod ng Batac at
mga bayan ng Vintar, Sarrat, Currimao, Marcos, Banna, Piddig, Paoay, Solsona at Nueva Era.
Ayon sa BFP, karamihan ng mga sunog sa gubat ay dahil sa mga aktibidad ng tao na sangkot ang pagsunog ng mga basura ng agrikultural na taniman at pagtatapon ng mga upos ng sigarilyo sa mga madamong lugar. Samantala, ang mga local government units at mga opisyal ng barangay ay hinimok na tumulong magmonitor ng kanikanilang mga lugar at ipatupad ang mga pro-active na pamamaraan upang maiwasan ang mga katulad na insidente.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
March 2, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024