Inatake Sa Pusong Kabayan, Benguet Mayor Positive Sa COVID19

LOOK

BAGUIO CITY (March 22, 2021) – Dalawang beses nag-positive sa COVID19 test ang inatake sa pusong si Kabayan, Benguet Mayor Faustino Aquisan.

Namatay ilang minuto lampas ng katanghalian noong Linggo si Aquisan, 61,  dahil sa cardiac arrest sa Notre dame de Chartres Hospital sa lungsod.  Agad isinailalim sa cremation ang kanyang bangkay.

Ang ng alkalde ay ihinimlay sa chapel ng Philippine Episcopal Church’s Cathedral of the Resurrection sa lungsod upang huling makita ng pamilya, taga-suporta at mga kababayan nito.

Matapos umano ng tatlong araw, dadalhin ang kanyang abo sa Kabayan, Benguet, matapos ang interment rites sa kanyang bhay sa Cruz, La Trinidad, Benguet.

Pinayuhan naman ang lahat ng nakahalobilo ng Mayor mula March 6 hangang March 19, upang mag mandatory home quarantine at maghintay ang assesment at recommendation ng Contact Tracing Team, Patient Management and Monitoring Team at Diagnostic Team.

Nagsilbing Mayor si Aquisan ng Kabayan ng tatlong magkakasunod na termino bago tumakbo ito ngunit natalo sa pagka-Congressman ng Benguet noon 2016.

Bumalik sa Kabayan si Aquisan upang tumakbong Mayor noong 2019 at muling nagwagi ito bilang punong bayan.

Artemio A. Dumlao