INDIGENTS SOCIAL PENSION ISINUSULONG NI COUN. DATUIN SA KONSEHO

BAGUIO CITY

Ipinangako ni re-electionist City Councilor Atty.Elmer Datuin na isusulong niya sa Konseho ang kanyang programa na biyayaan ang may mahigit na 3,000 indigents senior citizen sa pamamagitan ng kanyang proposed ordinance na Granting Local Social Pension to Indigent Senior Citizens in Baguio City. “Nasa second reading na ito, after publication ay papunta na ito sa third and final reading na yong Indigents senior citizen social Pension program of the city of Baguio, na tumutukoy sa mga waiting list sa social pension na nakapila sa City Social Welfare and Development Office” pahayag ni Datuin.

Ayon kay Datuin, sa Baguio City, may 6,348 social pensioners ang tumatanggap ng P1,000 per month sa pamamagitan ng CSWDO at
may mahigit sa 3,000 ang nasa waiting list. May kabuuang 55,000 senior citizens sa siyudad ng Baguio, base sa datos ng National Commission on Senior Citizens (NCSC), “Ngayon, yong mga nasa waiting list hindi na makaangat-angat, ang plano ko yong nasa waiting list ay iaddress natin, kasi matatanda na sila, baka mamatay na ay hindi pa makatikim, kaya priority natin ito,” “Nakakaawa naman itong mga waiting list, hanggang kelan sila maghihintay, nararapat lamang na bigyan din sila, bagama’t limitado ang quota ng pamahalaan ay gagawan natin ng paraan na makatulong ang city government sa mga waiting list na ito,’ paliwanag ni Datuin.

Ayon kay Datuin, sa ordinansang ito, imbes na DSWD ang magbabayad ay ang city government na ang magbibigay ng pension sa mga waiting list. “Pumasa noong first reading, pero noong third reading na nag-compute ang local finance committee at lumitaw na almost P40 milyon ang kailangan para ipamigay sa mga waiting list.” “Sabi ng local finance kung pwede ng bawasan, so ngayon on-going ang pagrere-compute at sa consultation natin sa City Social Welfare Office na imbes na 3,000 ay first 1,000 muna ang uunahin, na kahit papaano ay madadagdagan na ang tumatanggap ng social pension.” Ipinaliwanag ni Datuin na kapag maaprubahan ang ordinansang ito ay ang city government na ang magbibigay ng pension mula sa first 1000 senior citizens na mapipili mula sa waiting list ng CSWDO at hindi na sila kukuha sa DSWD.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon