LUNGSOD NG LAOAG – Pumirma ng memorandum of agreement ang grupo na kinabibilangan ng mga magsasaka, local government units at ng National Tobacco Administration (NTA) noong Nobyembre 21 upang palaguin ang pagtatabako sa probinsiya.
Sa pagsisimula ng cropping year ng 2018-2019, ang pamahalaang panlalawigan at ilang tobacco-growing municipalities sa Ilocos Norte ay direktang makikibahagi sa Tobacco Contract Growing System (TCGS).
Ang TCGS ay isang market-oriented at technology-based production system, na tumutugon sa tiyak na laki at kalidad na kinakailangan sa merkado.
Ayon kay Nestor Casela, miyembro ng NTA Governing Board, na ito ang unang beses na isinama ng ahensiya ang LGU sa lahat ng aspeto ng contract growing na pinangungunahan ng Ilocos Norte.
“We expect that the other LGUs, which have multi-million shares from the tobacco excise tax collection of the government, in other tobacco growing provinces will see the benefit of this project,” ayon kay Casela.
Sa ilalim ng kasunduan, ibibigay ng pamahalaan ng Ilocos Norte ang mga farm machinery at ipapatupad, habang ang bahagi ng LGU ay magbibigay ng mga input sa mga magsasaka tulad ng mga fertiliziers at pesticides at upang tumulong sa pagmo-monitor ng tamang dokumentasyon ng tobacco production sa panahon ng trading.
Sinisiguro din ng mga tagapangasiwa ng mga magsasaka ang paghahatid ng mga kapaki-pakinabang o kalidad na dahon sa tinatayang dami ng produksyon bawat ektarya at babayaran ang lahat ng mga obligasyon sa ahensiya at sa kanilang mga contracting firm.
Ang NTA, Universal Leaf Philippines at Trans Manila Inc. ay magbibigay ng technical, production at marketing assistance at tamang dokumentasyon sa tabako.
Bago ang pirmahan ng MOA, ang mga tobacco growers at grupo ng mga magsasaka ay kinunsulta bago ang proyekto at hinikayat din sila upang magtrabaho malapit sa mga sangay ng NTA at ng LGU para sa tulong. L. ADRIANO, PNA / ABN
November 24, 2018
November 24, 2018
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024