“INILILIGAW NG APEX MINING ANG PANANAGUTAN NITO SA TAUMBAYAN AT KALIKASAN”

Direkta o hindi, hindi mapukaw sa isipan ng taumbayan ang pananagutan ng Apex Mining Corporation sa trahedya kung saan lagpas isang dosenang namatay habang nawawala pa rin ang higit 100 katao nang gumuho ang malaking tipak ng lupa sa Maco, Davao de Oro. Karamihan pa naman ay mga manggagawa ng Apex Mining. Mariing hinihintay ng taumbayan ang kasagutan kung ano ang kinalaman ng malalakihang pagmimina sa kaligtasan, kabuhayan at kapaligiran sa lugar.

Bagay na nagpapalala pa sa malubhang pangamba ng mga mamamayan ng Itogon, Benguet kung saan mayroong
expansion application ang Itogon Suyoc Resources Inc. (ISRI) na subsidiary ng Apex Mining sa kanilang kalupaan.
Ang mga dalubhasa ng siyensya ang nagpapatunay na lahat ng bagay ay magkakaugnay, lalo na relasyon ng tao at kalikasan. Lahat ng ginagawa ng tao, lalo na sa pambubusabos sa kapaligiran nito ay mistulang babalik sa kanya bilang trahedya.

Ilang beses nang napatunayan ito. Madaling ilihis ng Apex Mining Corporation ang pananagutan sa trahedya sa Maco, Davao de Oro. Sisisihin lang nito ang natural occurrence ng kalupaan kapag ito’y sobra nang nababad sa tubig ulan, at tiyak mapapaniwala na nito ang nag-iimbistagang Mines and Geosciences Bureau ng DENR. Ngunit tiyak naman na alam ng Apex Mining geodetic engineers at consultants ang natural na character ng lupa roon bago pa man ito mag-umpisang magmina sa Maco, Devao de Oro. Bakit hindi nag-introduce ng mga pamamaraan kung saan makakaiwas ang pagguho na nagresulta na ngayon ng pagkawal ng maraming buhay.

Kahalintulad na trahedya sa Maco, Davao de Oro ang pinangangambahan ng mga nananatiling sumasalungat sa
expansion ng ISRI sa Itogon, Benguet. Sa kabila ng pangakong idudulot ng expansion ng ISRI sa ekonomiya ng bayan, probinsya at buong bansa, ay ang nakaambang trahedyang kikitil sa buhay ng mga magiging biktima. Bukod pa ito sa pangambang maisasantabi ang mga taga-Itogon sa tradisyunal na ikinabubuhay nilang camote-mining.
Hinding-hindi rin matatawaran ang dulot na pagkasira ng kapaligiran mula sa dambuhalang pagmimina sa ngalan ng kita at ganansya, buti sana kung napapasakamay at higit na nagbebenepisyo ang karamihan ng taumbayan.

Amianan Balita Ngayon