INSULTO DE PULITIKA… NAGSIMULA NA!

Malapit na ang eleksiyonpambarangay kaya dama na natin ang mga oplan-pakilala. At habang
nalalapit ang opisyal na simula ng pangangampanya, nagsisismula na ring magdugo ang mga lugal na kung saan ay may nangyayari ng patayan sa pagitan ng mga magkakatunggali sa pulitika. Napaparami na rin ang mga nakukumpiskang baril kaugnay sa nalalapit na halalan. Dumarami na rin ang nadedeklarang HOT SPOTS o mga barangay na nagkakainitan, sa simpleng salita.

Nakakamangha rin ang ulat ng COMELEC na maraming barangay sa buong bansa ang walang tumatakbong kandidato sa pagka-chairman sa barangay at maski na sa pagka chairman din ng kabataan. Bakit kaya? May mga kuro-kuro na maaring tinatamad na ang ilan na pumasok sa pulitika. Ayaw na nilang manilbihan. Gusto nilang sila naman ang pagsilbihan. May mga napagod na rin siguro sa pagiging public servant. May mga ayaw ding pumasok sa pulitika dahil sa kanilang
pananaw.

Meron din ayaw sa pulitika dahil sa mga kamag-anak na nasangkot sa anomalya sa panahon ng kanilang pamamahala. Ayaw nilang mabatikan ang kanilang pagkatao. May mga tumatakbo rin para lang daw makaganti dahil talunan nang unang sumabak sa pulitika. Ayaw bitawan ang pagtakbo dahil dinaya daw siya at gusto niyang isiwalat sa madla na mandaraya ang nakaupo. O kaya ay naliliitan sa SAHOD, o kaya ay sadyang wala ng interesadong mamuno sa pinakamababang
unit ng pamahalaan dito sa ating bansa.

Sa madaling salita may mabibigat na dahilan kung bakit may tumatakbo at umaayaw. Tayo naman ay sumasaludo sa mga tumatakbong walang kalaban. Ibig sabihin na malinis ang kanyang panunungkulan sa kanyang barangay. May mga barangay chairman ding pinakiusapang huwag ng
tumakbo at magbigay-daan na lamang sa iba. Sa panig ng DAPLIS, ngayun na ang panahon ng
sumuong na sa pulitika ang ating mga kabataan.

Dahil mas marami ng kabataan ang populasyon. Mainam na nahubog na ang mga tinawag ni Rizal na PAG-ASA NG BAYAN at sila ang mag-akay sa mga nauna ng nanilbihan at maging bayani rin ng kanilang generasyon. Kung nakikita ng kabataan na may mali sa pamamahala, eto na ang panahon na ituwid sa pamamagitan ng kanilang aktibo at positibong pananaw at pagkilos. Sa October 19, 2023 pa ang simula ng opisyal na pangangampanya subali’t may paramdam na ang mga tatakbo.

Nariyan ang mga pagbisita sa mga barangay. May mga nagbabahay- bahay, nangungumusta kahit pa hindi sila nagsasabi na sila’y kakandidato at iboto. May mga nagpapakitang-gilas din na
tumutulong sa mga mahihirap na kabarangay. Yong dating nakasimangut at astang walang
pakialam ay nagiging palangiti at maamong tupa sa pakikisalamuha. Yong dating dinapagkikita, nagiging aktibo at nakikisalamuha na.

Ang dating di malapitan, ngayun, syang lumalapit. Yung kada lalabas ng bahay ay nakakotse, ayaw mainitan, ayaw maarawan, ngayun, nalalakad na at nakikipagkamayan. Sus, Ang masakit, kapag nanalo, hindi mo na malapitan. Di dapat maliitin ang barangay election. Alalahanin natin na ang isang bayan ay binubuo ng mga barangay. Maliit mang tingnan ngunit eto ang ugat sa pag-unlad. Ito ang pondasyon ng serbisyo sa bayan. Nagsisimula lahat ng uri ng panunungkulan at serbisyong pangkalahatan sa mga barangay. Adios mi amor, ciao, mabalos

Amianan Balita Ngayon