INTERNATIONAL AIDS DAY GAGANAPIN SA MAYO 29-30

BAGUIO CITY

Ang city government, kasama ang Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) ay magsasagawa ng candlelight memorial bilang paggunita sa International Aids celebration sa Mayo 29-30. Layunin ng International Aids Candlelight Memorial 2023 ay bawasan ang stigma ng
komunidad tungo sa mga mayroong Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS).

“Nilabas ito kasi it has already been a burden among ating mga people living with HIV na mayroon silang stigma sa self nila. Mayroon din silang stigma sa community na kapag sinabing labeled as HIV, they have that label in them na they cannot interact, they cannot receive treatment,” pahayag ni Dr. Jennifer Pira, Medical Officer IV ng DOH-Cordillera. Ayon sa DOH, mayroon nang naitalang mahigit 77,000 na kaso ng HIV sa Pilipinas mula 1984 hanggang 2020.

Mayroon namang naitalang 549 na kaso ng HIV sa Baguio City mula 1994 hanggang 2020, ayon sa
Reproductive Health and Wellness Center (RHWC). Ang candlelight memorial ng BGHMC ay gaganapin sa Saint Louis Center Grounds and Hall sa Assumption Road sa Mayo 29. Ang memorial ng city government ay gaganapin sa Mayo 30 sa Burnham Lake. Inaasahan ng DOH na ang okasyon ay makakapag-bigay ng sapat na kaalaman sa mga mamamayan ng lungsod upang mabawasan ang diskriminasyon tungo sa mga taong mayroong HIV at AIDS.

Thea Sherina Cathelin Rillera-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon