LUNGSOD NG BAGUIO – Pansamantalang ipinatigil ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Benny Antiporda ang operasyon ng Irisan Dumpsite dahil sa hindi umano sumunod ang lungsod sa nilagdaang Writ of Kalikasan, matapos magsagawa ng ocular inspection sa lugar ang DENR at ang Environmental Management Bureau (EMB) kasama ang mga executive ng central office na pinamunuan ni Antiporda noong Huwebes, Hunyo 26, 2019.
Bumungad kay Antiporda sa kanyang pagbisita ang ilang paglabag sa ilang regulasyon at ordinansa sa pagpapatakbo ng dumpsite.
Hindi masayang kinausap ni Antiporda ang kasalukuyang namamahala sa Irisan Dumpsite na si Eugene Buyucan ng General Services Office at kaagad itong pinasara.
“Temporarily ipashutdown ito tapos bibigyan at seserban kayo ng Cease and Desist Order (CDO) ng EMB natin, at the same time ay lalagyan ng tarpaulin yan, closed yan temporarily.
I-fast track ninyo ang explanation ninyo kung ano ang mga solusyon na gagawin ninyo,” ani dismayadong Antiporda kay Buyucan.
Dagdag pa niya na ang lugar kung nasaan ang Irisan dumpiste ay maituturing na hindi isang “ideal area” lalo na kapag kapakanan ng mga taong nakatira palibot sa lugar ang bibigyan ng importansya.
Binanggit din niya na “highly vulnerable” ang lugar sa landslide dahil dating open dump ito.
Ibinuhos din ni Antiporda ang kanyang pagkadismaya sa di pagtupad ng pangako ng lungsod na gagawing “Eco-Park” ang nasabing dumpsite.
“Actually meron tayong file na Writ of Kalikasan sa kanila sometime 2012, they promised na they will turn this area into an eco park because this was an open dumpsite before and this is an open dumpsite again,” ani Antiporda.
Kailangang ipaliwanag nang husto ng lungsod ang ilang paglabag sa operasyon at hindi pagtupad sa ilang pangako patungkol sa dumpsite kabilang na ang pangakong napako sa pagpapatayo ng isang Eco Park sa lugar noong 2012 at ang patuloy na hindi pagsunod sa tamang processing plan ng mga bioderagrable.
“Sa nakikita natin, open dump siya, Hindi siya yung processing. Though may processing plan para sa biodegradable pero sa gilid niya, yung mga na-process niya ay dina-dump pa rin sa gilid
which is violation iyan,” dagdag ni Antiporda.
Kailangang makipagtulungan ang mga namamahala sa Irisan Dumpsite sa mga regional office tungkol sa kung ano ang mga dapat gawin at ang solusyon sa nasabing paglabag sa operasyon.
Sa maaring pwedeng mamuong “garbage crisis” dahil sa pansamantalang pagtigil ng operasyon sa Irisan Dumpsite ay nagbigay ng mungkahi si Antiporda.
Aniya, maari silang mamili sa ilang option kung saan dadalhin ang basura, na posibleng sa Urdaneta o sa Metro Clark, subalit aasahang mapapagastos ang lungsod kapag ito ang gagawin.
Patuloy naman ang technical assistance mula sa national office ng DENR. Nilinaw din ni Antiporda na pansamanta lamang ang pagpapatigil ng operasyon sa dumpsite kaya pinamamadali niya ang lungsod na ayusin ang problema sa basura sa tulong ng local government ng Baguio.
Bubuksan naman ang opersayon kapag naipaliwanag nila ng husto at nakapagbigay na ng epektibong proposal upang maiwasan ang ilang paglabag sa regulasyon.
Paul Brian T. Baldoza, UC Intern/ABN
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025